Isang Araw na Pasyalan sa Paete Laguna


Paete, Laguna  
+Marso 17, 2013+

( Mt. Humarap, Tatlong Krus , Matabungka Falls , Kalayaan Twin Falls and Paete Church )

Dalawang linggong paghahanda bago dumating ang Marso 17, 2013 at ang lahat ay sabik na sa darating na Lakaran. Marso 3, 2012 ng aking matuklasan ang tungkol sa tatlong Krus sa Paete Laguna at simula noon maraming beses ko ng binalak pumasyal dito pero di natutuloy.
Ang Paete Laguna ay sikat sa paguukat ng Kahoy, lansones , magagandang tanawin at mababait na mamamayan, isang halimbawa nito ay ang nasabing Lakaran namin, dahil lahat kami sa grupo ay "First timer" lang sa Paete, sa tuwing kami ay nagtatanong kung papaano puntahan ang pakay na mga lugar, lahat sila ay langing nakangiti at nagaalok pa minsan na kami'y kanilang samahan.






Nga pala, 5:10 ng umaga umalis ang bus ng DLTB sa LRT Gil Puyat papuntang Sta.Cruz Laguna pero dahil sa Run United Fun Run nung umagang yun, ay halos di na umusad sa trapiko ang sinasakyan naming bus, bandang 5:50 na ng umagang iyon ng kami'y makaalis ng Manila patungong SLEX.

Sa kalagitnaan ng SLEX ay sinalubong kami ng bahagyang ambon na labis kong kinabahala, yung tipong biglaan akong nanalangin na sana sa Paete Laguna ay tumila na ang ulan. God bless ika nga! at eto ang bumungad sa amin..


Magandang panahon ang sumalubong sa amin


Sta. Cruz Bus Station



Mga bangdang 7:30 na, ng kami ay makarating sa Sta.Cruz Laguna, at wala ka may FUN RUN din doon na sumalubong sa amin, ahaha. Sa harapan mismo ng bus station dumaraan ang pampasaherong jeepney patungong Siniloan/Paete, mga kalahating oras lang na byahe ng kami ay makarating sa Paete at pagbaba ng jeep, eto na simula na ng LAKARAN.


Kung mapapansin nyo puro's kabahayan ang madadaanan








                                         
                         Sa daan paakyat ng Tatlong Krus

Unang Pahingahan

at pagkaraan ng 30 minuto gusto na nyang sumuko, binitbit ni Andrew ang dalahin bag ni Maricor
nahati na sa dalawa ang grupo



Sa panglawang pahingahan na tila ba waiting shed ang itsura, katabi nito ang pampublikong palikuran at tubig nawasa na pwedeng inumin. Dito din ang daan pakaliwa papuntang Matabungka Falls

Waiting Shed na puro Vandal






At sa wakas pagkatapos ng isang oras at kalahating LAKARAN ay nakarating din kami sa taas,
Inabutan namin ang unang grupo na masarap na nagpapahinga sa damuhan



Sa inaasahang pagkakataon at wala sa itinerary ng oras na iyon ay aming inabutan ang mahal kong pamilya na THE BACKPACKERS sa Tatlong Krus na nag pi-picture taking at masaya nila kaming sinalubong.
www.thebackpackersadventures.blogspot.com

Meet The Backpackers
Saglit lang na pagpapakilanlan sa isa't isa dahil kelangan ng umalis ng kabilang grupo.


                                                                Last shot bago bumaba ng Matabungka Falls


Tatlong Krus




15 minutos lang pababa eto na ang lamig ng tubig sa Matabungka Falls grrr ... 

Matabungka Fallstaas ng talon 20-25 meters )









Bago pa tuluyang malibang ang lahat sa Matabungka Falls nag aya na akong umalis para paghandaan ang aming tanghalian.
Mula sa Tatlong Krus jump off, sumakay kami ng tricyle papuntang Kalayaan Twin Falls mga 10 to 15 minuto lang na harutrot ni kuyang drayber eto na eto na ...  




Tulad ng inaasahan dahil araw ng linggo at simula na nang taginit, ang Daming Tao!

Ginawang malaking pool na baggsakan ng tubig galing sa Falls
Ang kagandahan dito, hindi kinakailangan laging umupa ng cottage, kahit san ka sumalampak okey na basta magbayad ka lang ng entrance fee na aming natawaran sa halagang 35 pesos kada tao.

Si Arnel , Loren , Andrew , Jayson at Ehdz ang naghanda ng pagkain



Si Maricor enjoy na enjoy ang solo falls sa pwesto namin


Kalayaan Twin Falls


4:00 na ng hapon ng kami ay makababa galing sa Kalayaan Twin Falls, 

Habang naghihintay ng pampasaherong jeepney papunta sa bayan ng Paete, upang  dalawin ang makasaysayan at matandang Simabahan ng Paete Laguna.



 Habang naglalakad papuntang Paete Church, mapapansin nyo ang mga tindahan ng mga Inukit na kahoy na may iba't ibang larawan.



Paete ChurchMula sa simbahan mapapansin nyo ang Tatlong Krus





Dahil ang lahat ay pagod na, nagpadesisyonan ng lahat na di na tumuloy sa Exotic Resturant, sayang pero lagi namang may next time, at pag balik ko sa Paete magsasama naman ako ng iba pang kaibigan.





(from top left Andrew, Arnel, Loren , Jayson , Maricor , Alexi'me' , Ehdz , Mai , and Lizza )



Andrew said's ( a.k.a. APOC )



Reaching the Tatlong Krus in Paete Laguna was a great start for me . It was a short climb yet meaningful. Plus the side trips to some falls that I could hardly remember the actual names yet relieved my stress from work. I'll surely recommend this to my friends. Looking forward for the next climb!




ITINERARY
Word history 
( ETD - Estimated time of departure )

( ETA - Estimated time of arrival )

------------------------------------



4:30 am assembly at LRT Buendia MCDO

5:00 am ETD DLTB Bus > (P140.00) one way

7:00 am ETA Sta.Cruz then jeepney to Siniloan or Paete > (P25.00)

8:00 am EtA Paete, walk to Brgy. Ilaya Norte

8:30 am ETA to Ilaya Norte, Start Trek

9:30 am ETA Tatlong Krus > 
Picture Picture > 30 Mins Rest > Miryenda

10:00 am Going to Matabungka Falls
10:30 am ETA at Matabungka falls
Picture picture > Lets deep in the water 
rest for 1 hour 

11:30 am Going to Kalayaan Twin falls >> Ride a tryke ( P15.00 )
12:00 pm ETA kalayaan Twin Falls for our lunch and 4hrs rest >> swimming time!
(Entrance fee P40 to P35)

4:00 pm ETD bye bye KAyaan twin falls >> Going to PAete church 
4:30 pm ETA Paete church // picture picture
lakad lakad sa town proper..



5:30 pm ETD Sta. Cruz, Laguna

8:00 pm ETA Manila





Photo credits : Alexi Lee & APOC Photography




Mga Komento