December 08, 2016
San Fernando Pampanga
Kamusta po kayo? Ang tagal na rin po nung huli akong nag kwento dito.
Gusto ko lang po ibahagi sa inyo ang proseso ng PAGKUHA or PAG-RENEW ng Passport sa DFA ROBINSON PAMPANGA kung saan po ako nag pa RENEW ng pasaporte ko.
Unang Hakbang:
Kinakailangan nyo po munang mag pa schedule ng appointment sa ONLINE.
I-click nyo po itong link >> https://www.passport.gov.ph/ kinakailangan nyo po stable or mabilis na internet connection sa website nila para di po sumakit ang ulo nyo hehe..
Sa araw po ng inyong schedule sa DFA ROBINSON PAMPANGA, tiyakin nyo pong dala nyo lahat ng dokumentong kinakailangan, para iwas hassle na rin po. Make sure po na may PHOTOCOPY kayo ng mga REQUIRMENTS nyo, kung wala man po don't worry may XEROX machine naman sa loob ng DFA.. hehe
sa tabi ng processing area sa loob |
Kung ang oras ng schedule nyo ay 2:00pm, tulad ko..
Mas mainam po na makarating kayo ISANG ORAS bago ang nakatakdang oras ng iyong schedule.
Wag po kayo pumunta ng sobrang aga, kasi mag hihintay din kayo hanggang 1:30pm bago nila kayo tawagin.
Sa karanasan ko po, 1:30pm pinaupo na kami sa tapat ng PROCESSING AREA sa LABAS then before 2:00pm kinuha ng isang gwardya yung mga papel ng nasa 2:00pm schedule para i-pa VERIFY sa LOOB ang iyong schedule.
Habang nag hihintay sa labas |
Before 2:30pm bumalik po si Kuyang Guard at isa isa niyang binalik ang DFA FORM sa mga aplikante na may nakadikit ng NUMERO at tatak na ito ay VERIFIED na!
Sa loob po ng processing area |
- 3:00pm tinawag na ang mga aplikanteng may NUMERRO na ang papel at pinapasok na po kami sa PROCESSING AREA sa LOOB.
- sa experience po ng batch namin, pagdating sa loob ng Processing Area, nag hintay pa kami ng 30 minutes bago naipasa ang mga requirements, buti nalang po kahit matagal ang proseso, si Kuyang naka brown uniform na nag aasikaso ng mga naka pila ay marunong mag PATAWA. joke time.. #goodjobpo kuya!
-
Once ma APPROVE at TATAKAN ang iyong mga requirments ang susunod po na hakbang ay ang pag bayad sa CASHIER.
- 950 php - normal process / 20 Working days
- 1,200 php - expedite process / 10 Working days only!
Mabilis po ang pag babayad sa cashier, walang pila.
Payment Window sa Kanan / Pila po sa KALIWA sa ENCONDING |
NEXT : Ang ENCODING po or ang pagkuha sa iyo ng LITRATO para sa PASSPORT and this is the LAST STEP ..
Kuha ng ENCODING AREA sa labas habang nag hihintay |
Unfortunately, mahaba po ang pila dito so KINUHA po ng isang GWARDYA yung mga PAPELES namin at pinaupo muna kami sa LABAS dun po nag hintay pa kami kulang kulang isang oras, saka tinawag kami isa-isa at pinaupo sa tapat ng ENCODING AREA, sa loob ng enconding area nag hintay pa ako ng kulang 30 minutes bago ma PIKTURAN at ipapa check nila sayo ang detalye mo sa PASSPORT..
Sa loob po ng ENCODING AREA |
... then tapos na.. sakto 5:00pm lumabas na ako sa loob ng DFA PAMPANGA.
ATLAST!!! Umabot po ng tatlong oras yung proseso ng batch namin that time. Kaya mag baon po kayo ng miryenda, in case gutumin kayo like me.. ( sad lang wala akong baon )
Swerte po sa mga naka pag pa schedule ng appointment sa UMAGA, mukang di kayo aabutin ng tatlong oras na proseso.
MGA PAALALA :
Mga Komento