Bonding Climb @ Talim Island


+ Pebrero 2014 +
Mt. Tagapo Talim Island, Binangonan Rizal




Mt. Tagapo/ Mt.Susong Dalaga





Unang akyat ko ng Bundok na kasama ang aking mga ka opisina,
Kaya pumili ako ng bundok na madaling akyatin na kaya ng isang buong araw lamang.

Una sa aking listahan ang Mt. Tagapo sa Talim Island nasasakop ng Binangonan, Rizal. Tamang tama ito para sa mga baguhan or first timer sa pag akyat ng bundok. Base sa aking mga nabasang Blog ay madali akyatin  at maganda ang lugar, bukod pa dito malapit lang sa Maynila, so hassle free ang byahe sa aming LAKARANG ito.


Tatlo sa aking mga ka opisina ang na impluwensyahan kong sumama sa pag akyat na ito. Si Jill, MJ at Rye kasama ang kanyang kapatid na si Nico. Si Rai at Nico ay di baguhan sa Hobby or sports na ito, samantala si Jill at MJ naman ay first timer sa pag akyat ng bundok. (trekking)




Rye, Nico, Jill and MJ







5:00am ang usapang mag kikita sa Starmall Shaw Blvd at bandang 6:00am na kami nakaalis sakay ng VAN papuntag Tanay.

KKB ( Kanya Kanyang Bayad ) ang lakaran na ito at kanya kanyang dala ng pagkain ang usapan namin dito, at syempre tubig/energy drink bawal kalimutan, aheheh kaya lang masyado pala akong naging exage sa pag papadala ko ng inumin nila Jill at MJ ,, ayon 2 litrong tubig  ang binaon nila tigisa, kaya bumigat ang bag nila.. My BAD!!






So pagbaba namin ng Tanay Market sakto at may papaalis ng Bangka papuntang Talim Island, excited ako kasi were riding in a not so small, not so big public transpo boat.. maraming kargada ang bangka , katulad ng Bike, Motor , mga sako ng bigas at kung ano-anu pang paninda na dadalin sa Isla. Dami noh? pero syempre not to worry mukhang di naman lulubog ang bangka and wala namang pating(shark) sa Laguna Lake papuntang isla na aming tatahakin.

Mga isang oras din ang byahe ng bangka dahil madaming stop over sa bawat barangay sa Isla ng Talim. Enjoy naman ang view, infairness =).










Then pag baba namin ng bangka diresto na agad kami sa Mountaineers Registration Lodge .. para mag pa-register at kumuha ng Guide =). Since first timer namin lahat dito ay marami kaming tanong kay Manong Guide hehe ..
Kaya daw makarating sa Peak ng isa't kalahating oras, pero dipende parin yun sa dami ng pahinga at pikturan sa pag akyat.






Wag kakalimutan bago mag simula sa pag akyat ay laging hilingin sa itaas ang inyong kaligtasan. So we pray and we start trekking ..











Madali lang sa unang bahagi ng pag akyat, kaya lang nung nasa kalagitnaan na kami medyo napansin namin ang mababatong daan na kinasama ng paa ni Jill, why? because I told her that she can wear a pair of sandal, kaya lang di ko naman expected na manipis ang kanyang sandalyas. My Bad again =(..













Anyways .. so as we continue our walk/paglalakad si Jill di nawalan ng kwento , same as MJ and Nico .. ako at si Rai sweepers.
Wag nyo po pala masyado maliiting ang Mt.Tagapo lalo na sa mga first timer, you need to set your mind na may parteng full ascent , so  proper preparation is a must. Medyo nahilo kasi si Jill dun sa trail na puro's pa taas as in.. so we take a 30 mins rest to relax her mind and heart. Pero di naman nag patalo si Jill sa hilo nya as we continue our trekk kasi Uulan na!! ahaha ..






isa sa pangunahing kinabubuhay ng mga taga Talim Island ay ang pag gawa ng ULING





Nang nahilo na nga si Jill


Super near na kami sa Peak di ko makakalimutan yung part na nasa grass land na, ang daming ibon na nakapalibot sa amin.. hayss ang ganda lang and enjoy kasi takbuhan na kami dahil sa Ulan., ahaha!!






Kahit patigil tigil ang ulan we decided to go up straight to the peak and guess what happened!? nung nasa middle part na kami ng Grass Land going up saka naman biglang lumakas ng todo ang buhos ng Ulan!! wahahaha.... so to the RESCUE ako sa mga gadgets na dala nila since my dala akong water prof eklavo, and we stopped sa ginta ng parang mga snail dahil sobrang madulas ang trail na hinihila ka pababa dahil sa mga damo!! Imagine mo nalang ...


But wait, hindi naman kami masyadong nag mukang basang sisiw kasi si Ulan di naman masyadong nagtagal sa pwesto namin sobrang lakas kasi ng hangin so mga 5 to 10 mins lang nawala na sya..

At eto na nga, nakarating na kami sa itaas , kapagod sya promise at nagutom talaga ako dun, hehe I mean lahat kami nagutom talaga, so bago kami nag picturan kumain muna kami ng bongga!

and here we are =)


                  


MJ and NICO





Manong Guide, Alexi and Jill




Medyo may kaliitan  ang patag sa peak siguro kasya lang ang 3 to 4 small tents, kung babalakin nyo dito mag overnight stay, pero kung masayadong malakas ang hangin I suggest dun nalang po kayo sa campsite mag tayo ng tent. :) Saka pala mainit din dun sa peak lalo na pag ganitong tanghaling tapat.


So pagkatapos namin kumain, enjoy na namin ang view ... sabi ko sa sarili ko Another Heaven Experience :)


Medyo madilim ang panahon dahil sa pa ambon ambon na kalagayan ng kalangitan






Sa likod ko matatanaw nyo ang Mt.Sembrano


Sa pagbaba namin, sa ibang trail kami dinaan ni Manong Guide, di ko naitanong ang pangalan ng trail pero mas madali sya ... mga isang oras mahigit lang nakabalik na kami sa barangay Janosa.





With Manong Guide, Thanks po



Sa bahay ni Manong Guide kami nagbihis at naglinis ng aming amoy pawis na mga katawan, hehe bayad ka lang ten pesos each.
Hanggat kaya sana maabutan nyo yung byahe ng bangka na alasKwatro kasi ang susunod na byahe ay mga bandang 5:30pm na, ito na po ang huling byahe pabalik sa Tanay Market at dahil huling byahe ito expect nyo na magtatagal ang byahe .. hehe pero enjoy parin ang view dahil swerte namin sa ginta ng Lake kami inabutan ng Super Gandang SUNSET!!!













Original Color's 
Dahil sa ganda ng Sunset ay nag ala photographer ang peg ko ng mga oras na iyon!!
priceless ang ganda nya!

>> So from tanay market sakay lang kayo trike pahatid po kayo sa sakayan ng VAN pabalik ng Shaw Blvd.:)



Sobrang thankful po kami dahil naging masaya at ligtas ang lakaran namin sa Talim Island, 
- Salamat Pilipinas


-------------------------------------------------------------------------------------

Mga Ginastos :

Van from shaw to tanay = 70 pesos ( one way )
Trike from Tanay highaway to market/port = 10 pesos (each)
Boat = 30 pesos (one way)
Guide Fee = 300 pesos ( divided by 5 )
Resgistration Fee = 20 pesos
Pack Lunch/Water/Snaks/BanyoFee = 120 pesos ( yung ginastos ko )
So Total = 400 pesos :)

---------------------------------------------------------------------------------------


> Photo captured by THE AUTHOR <




Mga Komento