Oh My Valentines in Baler
Feb. 14-15, 2015
Baler, Aurora
Special po itong lakaran na ito dahil first time naming magdiriwang ng my one and only ko for Valentines day out of town, at hindi lang yan, this is a double date with her sister kasama ang boyfie nya. Yiii...
November last year pa sana kami pupunta Baler, kaya lang dahil sa maraming dahilan ay nausog na ng nausog ang plano hanggang umabot ng February haha..
One week, opo one week nalang ang panahon ko para gumawa ng Iteneray at mag hanap ng contact sa baler. Alam mo yung tipong ngarag ka kasi bawal sa office ang magdala ng personal laptop tapos bawal din po mag search sa internet sa mga computer sa office tapos ang layo pa ng computer shop sa office at ang meron lang ako ay celphone tapos di pa android!!! Ahahaha..
Dahil sa di na talaga kinaya ng powers ko, kinuha ko nalang lahat ng contact number ng hotel sa Baler at pinatawagan/text ko kay my one and only, at dahil Valentines Day syempre inasahan ko na lahat halos ng murang hotel ay fully book na.
So we ended up going to Baler ng walang reservation sa hotel, sabi ko sige mag DIY nalang tayo, bahala na!! Ahahaha
Dahil may pasok ako sa trabaho the night before Feb 14, ay pinauna ko na sila papuntang Baler, dahil ang pinaka maagang alis ng bus from cubao going to Baler ay 2:00am at ang labas ko naman po sa trabaho ay 5:00 am.
Syempre Valentines day so again expected na namin na mahihirapan kami sa pagkuha ng bus ticket papuntang Baler, so ang ending dahil wala ng available ticket sa regular fare ay napilitan ang mga kasama ko na sumkay sa delux bus, ang sosyal lang diba.
Before 6:00 am nasa bayan na sila ng Baler ako, unluckily di nakahabol sa last trip ng bus straight to Baler, nag paalam pa naman ako sa opisinana mag out ng maaga hehe.. so ang option ko ay mag cutting ride going to Baler.
Since naunana na sila Mai, her Sister and BF, sila na pinag hanap ko ng matutuluyang hotel and good thing agad agad naka kuha sila ng room sa NiÑas Transient sa tabii ng Iglesia ni Cristo Church.
NiÑas Transient |
Anyways.. Mabuti nalang at kahit papaano ay nakapag research ako about how to go to Baler,
So from Genesis bus station sa cubao nag lakad ako papuntang Five Star bus station at sumakay ako ng byaheng papuntang Cabanatuan via Sctex.
5:30 am umalis sa Cubao ang bus at sinimulan ko ng matulog sa byahe, hehe ..
Medyo mabilis din ang byahe kasi wala naman trapik sa sctex, So before 7:00 am where at Tarlac bus stop station. Then by 8:30 am nasa Cabanatuan bus terminal na ako.
Based sa online research may van and bus na byahe from Cabanatuan terminal going to Baler. Kaya lang yung van na nakita ko ay parang colurum type saka may oras ang byahe nila kaya dun ako pumunta sa mga ordinary bus at sakto may papaalis ng bus at 9:00 am. I was excited that time, ang sarap kasi bumiyahe ng maaga tapos nasa tabing bintana ka pa so feel na feel ko yung hangin sa probinsya ng Nueva Ecija tapos bunos pa kasi nakakwentuhan ko si Aleng nanay yung katabi ko sa bus, may bahay din sila daw sila sa Cavite at nung kabataan nya madalas din syang lumakad hehe..
Ang bait nga nya kasi nung malapit na kami sa bayan at sinabi ng drayber ng bus na hindi daw sila sa terminal hihinto eh, isinabay na ako ni Aleng nanay sa pag baba nya ng bus at ituturo daw nya sakin ang daan papuntang terminal at sakto pa nun may trike na naka abang sa kanto pag baba namin sa lugar nila, pamangkin nya daw po yun, so pagkahatid namin sa bahay ni Aleng nanay inihabilin nya pa ako sa pamangkin nya kung saang hotel ako ihahatid.
Salamat po Aling nanay ... :-)
Sorry po wala kaming litrato ni Aleng Nanay.
So, pag dating ko sa NiÑas Transient inaya ko na ang mga kasama kong mag lunch since 1:00 pm na ako nakarating at feel ko na gutom na kami lahat.
Thelma's Kitchenette |
Nga po pala hindi ko pala na banggit na umuulan sa Baler nung araw na iyon, so ang saya lang diba, tapos isa lang ang dala namin payong..haha
So after naming kumain aya akong maglakad lakad kahit umuulan hehe... tapos yung tipong biglang lakas ng ulan so napilitan kaming bumili ng payong, at sa pag lalakadlakad namin swerte nakita namin yung Museo de Baler, ang galing galing at dahil DIY ang lakaran namin ay sinimulan na namin ang pamamasyal kahit umuulan.
Quezon Memorial Park – the birthplace of President Manuel L. Quezon |
Museo de Baler |
at kahit malakas na ang ulan tuloy parin kami sa pag lalakad
San Luis Obispo Parish (Baler Catholic Church) near to the BIG BALER |
Namili narin kami ng mga pasalubong para kinabukasan puro gala nalang kami,
hanggang sa inabot na kami ng gabi sa daan umuulan parin, so nagkaayaan kami pumunta ng palengke balita kasi namin mura ang mga sea food dito sa baler, so food trip kami to the max ang mura nga talaga pag sa wet market ka namili.
Dinner na may konting serbesa |
then mga 11:00 pm tulog na kami, need kasi namin gumising ng maaga for the next day since nag commit na kami ng half day tour kay Manong Narciso ang certified tour guide slash tricycle driver sa Baler. Sabi po kasi nila hindi ka pwede basta basta mag arkila ng tricycle dito dapat yung may mga permit at well trained na mag tour sa Baler, so before 7:00 am naka ayos na kami kahit medyo umuulan ay tuloy parin ang gala sa Baler.
Ermita Hill |
Dimadimalangat |
Luksu-lukso Islet |
Luksu-lukso Islet |
Syempre hindi po ako nag pahuli sa pag akyat sa isa sa mga Islet dito, ganda ng view sa taas as always ... =)
|
Balete Tree |
@ Balete Park |
Yellow's Fin Resto |
So after ng masaya at nakakabitin na lakaran namin ay nag pahatid na kami kay Manong Narciso sa Yellow's Fin para kumain ng tanghalian, tapos mananghalian balik agad kami sa Hotel konting pahinga at next ligo and surfing time na!!
Sabang Beach |
Surfing @ Sabang Beach |
Sobrang saya pala mag surfing and this is my first time, nakakatakot man sa una dahil hindi ako ganun karunong mag langoy eh, sinubukan ko na rin, sayang naman kasi minsan lang makapunta sa Baler di ko pa i-try diba!? So dun po sa 300 pesos na renta ng board kasama na rin po yung trainer na mag tuturo sayo ng basic rules and position sa pag tayo sa board.
Infairness hindi naman pala ganun kahirap kaya lang dahil medyo tumaba ako eh mabilis napagod ang aking mga braso, dito mo kasi ibibigay ang buong lakas mo para buhatin ang katawan patayo sa board at pumurma! hehe .. Di ko nga yata natapos yung 1 hour na session eh. lols
Kaya next time if ever bumalik ako sa Baler for sure medyo payat na ako. haha
3:00 pm na kami nag check out sa NiÑas Transient ang bait nga ng may ari ng hotel kasi bukod sa pinahiram nya kami ng mga plato na ginamit namin sa dinner eh sobra pa yung time namin sa pag check out, hehe swerte lang kasi wala pa naman daw mag che-check in sa room namin.
So bitin man ang trip namin sulit parin kasi super unwind kami lahat from stress sa work, masaya talaga mag out of town kasama yung special someone nyo eh., Minsan talaga we need to give time to each other noh? haha #hugot pa?
Anyways it was a really Happy Valentines for us that day! I love you...
(cheezzyy )
SALAMAT PILIPINAS.
--------------------------------------------------------------------------------------
Our DIY IT
Day 1
1:00pm @ Baler
1:30pm Lunch
2:30pm walk going to Museo de Baler / picture/30php entrance
4:30pm walk going to Baler Church
5:00pm walk along Baler St. check and but souvenir
6:30pm take trike going to Wet Market buy food&drinks for dinner
7:30pm back to Hotel (nina's transient house)
prepare dinner and social
11:00pm Lights Off
Day 2
5:30am wake up call/get ready for the half day tour
7:00am start tour ( 600php halfday good for 4 )
Ermita Hill , Falls , Islet and Millennium Tree
11:00am eat lunch @ yellow's fin resto
12:00nn back to hotel , swim and surf ( 300 / 1 hour )
2:00pm back to hotel / wash
3:00pm check out
4:00pm Take last trip AC bus going to Cabanatuan ( Aurora Bus)
> 247/head > 3 hrs ride
7:00 @ cabanatuan Grand Terminal
7:15 take ES AC Bus to cubao via bulacan > 185/head < 3 to 4 hrs ride no bust stop
11:00 pm Drop off @ Plaridel Bulacan
Day tour contact
Manong Narciso Millar 09096043056 ( trike driver & tour guide )
Nina's Transient >>
Ate Evelyn Fernandez 09084181438 ( 1,500 good for 3 to 4 person @ Attic Room )
------
Option;
Genesis standard Bus from cubao to baler > 450/head 3 to 5 hrs ride w/ 1 bus stop (last trip 6:00am)
Genesis Delux > 630/head 3 to 4 hrs drive non stop with free blanket, bottled water and cupcake.
-- Back to Cubao --
@Baler Grand Terminal
Genesis regular bus last trip @ 3:00pm
Better to secure reservation.
Mga Komento