Summer Bonding Island Galaan sa Anilao, Mabini Batangas


+ Mayo 17, 2013+
Anilao, Batangas

( Sombrero Island side trip sa Mt. Gulugod Baboy )

Nakaraang Mayo 7, 2013, bigla nalang nag text si Anna na nakabakasyon siya sa susunod na lingong iyon na para bang humihiling na mag outing ang barkada kasi nga naman hindi pa sya nakakasama sa kahit saang Lakaran namin dahilan ng kanyang pa bago bagong schedule sa trabaho. Hindi ko agad nasagot ang kanyang text dahil hindi rin ako sigurado kung may pang gastos ba akong extra para Lumakad ngayon buwan, tumingin tingin, nagtanong tanong muna ako kay kaibigang Google nag hanap-hanap ng malapit na lugar na may magandang beach at bundok na madaling akyatin.

www.thebackpackersadventures.blogspot.com ang nagbigay ideya sa akin tungkol sa Sombrero Island at tamang tama kalahating oras na byahe ang pagitan nitong Isla sa Mt.Gulugod Baboy. Kaya sinimulan ko na ang pagbasa dito basa doon, lista dito lista sa papel, kwenta dito kwenta sa tablet ko. Malaking tulong talaga ang mga blogsite para sa mga katulad naming mahilig sa Lakaran lalo't pa sa mga First Timer sa Lugar na ito, kaya nga bilang ganti ay ibinabahagi ko sa inyo ang iba sa aking mga Lakaran. Salamat Pilipinas.



Buong araw lang na Lakaran (dayhike) ang plano namin dahil isang araw lang ang pahinga ng aking mga kaibigan sa kani kanilang trabaho. 2:30 Biyernes ng madaling araw sa Jac Liner Buendia Station ang usapan pero dahil ang lahat ay dumiretso sa inuupahang bahay nila Anna, ay muntik muntikan na kaming di nakasama sa byaheng 3:00 ng umaga, Buti't saktong siyam na upuan ang bakante sa nasabing byaheng BUS patungong Batangas Pier, at dahil dyan ay di na nasunod ang usapan sa kung saan pwepwesto ng upuan ang grupo.


Jac Liner Buendia Station

Sa bilis ng bus ay inabot lamang ng Isang oras at kalahati ang aming byahe hanggang Batangas Grand Terminal at dahil sa kami ay napaaga, lahat ng mga nakaparadang jeepney na biyaheng Mabini Batangas ay inabutan naming tulog ang  makina, ibig kung sabihin ang mga drayber nito, kaya ibang byaheng jeepney nalang ang aking inareglo at sa tagal ng usapan at tawaran ay bumagsak kami sa 800 pesos bawal magsakay at diretso na sa Philpan Resort kung saan ang jumpoff pa akyat ng Mt. Gulugod Baboy. KOL!

Batangas Grand Terminal Passengers waiting Area

Alasingko ng umaga, ng aming iniwan ang grand terminal at isang oras na byahe ang inabot nito sa matulin na takbo ni kuya Orly (driver) 09182006643 sa mala zigzag na daan patungong Anilao. Pinaakyat namin ang jeepney hanggang sa babuyan para masulit naman ang bayad hehe , Simulan na ang Lakaran.





Sa registration area may katabi itong sari sari store, halo-halu , buko , ice candy , softdrinks at iba pang pwedeng pampalamig na meron yata si Nanay na tindera. Tandaan, sa bawat Lakaran lalo na sa pag akyat ng bundok, importante ang mag pa rehistro muna , alam na yan bente pesos kada isa ang donasyon. Mga bandang 6:30 na kami nagsimula sa pag akyat, hindi na kami kumaha ng guide dahil di naman gano nakakaligaw ang lugar , subalit maraming trail na madadaanan, basta sundin lang ang sinigaw ni kuya Globert sa registration area na LAGING PAKALIWA PAKALIWA lang.  Sa unang  palapag ng bundok ay  kahirapan ang daan, kaya kung puyat ka at galing trabaho asahan mo na ang iyong pawis ay tatakagtak ng todo.. hehe  hangang sa unang pahingahan nito.



Medyo nawala yung pagkahingal ko nung makarating kami sa unang pahingahan, hindi dahil sa nakapag pahinga na ako, kundi dahil sa mga nakita ko sa daan, ayoko man sabihin pero nararapat ko naman sigurong ibahagi sa inyo ito diba, NaPaKa Dumi ng daan kaya sana po sa mga umaakyat ng bundok kung nakita na nating ganito yung sitwasyon wag na po nating dagdagan pa ang kalat , kung kayang pulutin eh pulutin na daw po, kaya lang di ko kayang pulutin lahat yun eh ang dami!!!, grabe kaya... ( turo ng lead namin na si Sir Ivan Laurence ng The Backpackers ) anyways ...


Anahaw sa Daan
Pinyang Pula sa Daan

Ang matarek na trail

 
Sa Trail tatlong maliliit na compound na binubuo ng isa, dalawa o tatlong kabahayan ang inyong madadaanan at ang pang huling bahay dito ay yung kina Aling Selya at ang kanyang asawa na dalawang taon ng naninirahan sa bundok, kasama ang kanilang makukulit na Aso at Pusa na SASALUBONG sa inyo dala ang inyong mga PASALUBONG para sa kanila, hehe konting tinapay lang, super close na kayo =)


Kulang kalahating oras nalang ang lalakarin mo mula sa tirahan nila Aling Selya ay matatanaw mo na ang Unang Peak ( First Peak ) ng Mt.Gulugod Baboy , nandito sa first peak ang water source.






First Peak


                At sa wakas matapos ang kulang kulang isang oras ay nakarating na din sa taas!!

Second Peak

Third Peak Mt.Gulugod Baboy
kaliwa ( Arnel, Lorena, Edhz , Anna , Lizza , Mai , Alexi , Hazel at  Kris )


Nagpahinga , Nagmiryenda , Nag muni-muni sa magandang tanawin, Nagpiktsuran , Nagtawan , Nagkwentuhan , Nag talunan at pagkatapos ng isang oras sa taas ng Mt.Gulugod Baboy ay nagbabaan na kami na inabot lamang ng kulang kulang isang oras. 9am balik sa registration area tulad ng napag usapan namin ni kuya Globert para ayusin ang rerentahang bangka papunta sa Isla ng Sombrero at habang naghihintay bili bili muna ng souvenier, nag miryenda ng halo-halu at purong buko juice.

Sa Registration Area



Lahat ay Inip na Inip na, Init na Init nang maligo sa Dagat, ang pag papatuloy ng aming Lakaran sa Sombrero Island I-Klik lang ito ->> Sombrero Island



-----------------------------------------------------------------------------------------------------

Real time ITINERARY :

2:30 am Assembly at 7/11 near side at Jam Liner Gil puyat/Buendia Station
3:00 am TD at Jam Liner >
4:30 am TA at Batangas Grand Terminal
5:00 am TD from terminal ride a Jeepney to Philpan Resort at Brgy. Anilao Mabini Batangas > 1 hour ride
6:00 am TA at Philpan Resort our Jump-off climb > Register for the climb
6:30 am TD jump-off /start trek
7:30 am TA at the Summit Mt. Gulugod Baboy > 1 hour rest / miryenda / picture taking
8:30 am TD start decent back to Registration Area 
9:10 am TA at registration Area
10:00 am TD at registration Area
10:30 am TA from Brgy. Anilao beach front to Sombrero Island > 30 mins boat ride
11:00 am TA at Sombrero Island ...
4:00 pm Break camp/tent
4:30 pm TD back to Brgy. Anilao
5:00 pm TA at Brgy. Anilao > Take shower at Philpan Resort
7:30 pm TD from Philpan resort back to Batangas Terminal
8:30 pm TA at Batangas Terminal


Mga Laman ng Gastusin ::

Bus to Batangas Terminal -> 125php / one way
Jeep Rental -> 800 php / one way
Mt. Gulugod Registration fee -> 20 php per person
Boat Rental -> 2500 php / 2 ways
Sombrero Island fee -> 150 php / per person
Island Cottage fee -- 600 php
Public CR ->> 30php each
Jeepney back to Grandterminal  - >> 750 php
Bus to Manila --> 100 php DLTB promo


Mga Komento

Sinabi ni Lorena…
Grabe ang ganda jan.. Sulit ang pagod sa pag akyat.. Salamat Alexi Lee..
Sinabi ni Alexi Lee PH
Oo nga kahit ako nahirapan din sa pag akyat pero kakaiba talaga sa taas diba, may kanyang angking kagandahan ang bawat bundok.. sa uulit Lorena .. hehe salamat ...