Nature Adventure sa San Miguel, Bulacan




+ Hunyo 1 , 2013 +
 Kamias, San Miguel Bulacan 


( Sibul Springs, Madlum River )



Minsan  kung ano pa yung biglaang Lakaran ay sya pang madalas na natutuloy diba? Ba-se ito sa aking karanasan , sa aking kaibigang karanasan o baka pati sa iyong karanasan sa mga nakaraan mong lakaran. Tulad nga ng sabi, sinamahan ko lang ang aking kaibigan na maghanap ng trabaho pero ako ang natanggap sa trabahong kanyang inaasam, biglaan lang yun sa totoo lang, wala sa plano kaya sige ituloy nalang.

Tulad nga ng aming Lakaran ngayon buwan ng Hunyo, wala sa plano ang aming pag punta sa San Miguel Bulacan, Nagkaayayaan ang aking mga ka trabaho na mag Team Building, na pinag planuhang ganapin sa Pansol Laguna, ngunit dahil ang buong Grupo ay nanggaling na sa pinagplanuhang lugar ay aking minungkahi ang pag punta sa San Miguel Bulacan, nung una ay ayaw nila sa dahilang baka sila daw ay mahirapan sa pagpunta sa aking tinutukoy na lugar kesyo nga daw aakyat ng bundok ay baka di nila kayanin. Naintindihan ko naman sila syempre first time nila ito kung saka sakaling sila'y aking mapapayag , kaya ginamitan ko sila ng magagandang salita sa pag iisip kung anong meron sa San miguel Bulacan.  tulad nang ...

Malapit lang yan Bulacan , Tahimik pa ang Lugar (relaxing) , maraming pwedeng gawin doon tulad ng ( Madlum River ) pag langoy, ( Mt. Manalmon ) pag akyat ng bundok , ( Madlum & Buyukbok Caves ) pumasok sa mga kwebang talaga nga namang ikaw mapapamangha , ( Monkey Bridge ) dumaan sa kable na walang kahit anong nakakabit sayo PAG NAHULOG eh DI HULOG ahahahaha ... lalo silang natakot .. 


Pero sa kinahulihan pumayag din sila dahil wala nang oras pang mag isip kung saan pwedeng pumunta , Mayo 29 nung araw na iyon at Hunyo 1 ang aming Lakaran .. kaya sige nalang sila.. ahahaha

Five Star  Cubao Bus Station 




 5:30 ng umaga ang usapang magkikita kita sa opisina para 6:00 ng umaga ay nasa Five Star Cubao Station na kami, ngunit dahil sa hindi inaasahang di pag kakaunawaaan sa kung sino pa ba ang hahabol sa nasabing Lakaran ay nahuli na ng pagdating sa stasyon ng bus ang iba, at dahil dito ay kaylangan naming maghintay ng byaheng 7:00 ng umaga, Tinanghali na.. Nagbayad kami sa bus sa halagang 117 piso kada tao.


Si Maricor (kaliwa) at ang bago nyang  kaibigan
ang super bibo at walang kapagurang si Onyok


Ako nga pala ay laking Bulacan, dito ako pinanganak, nakakatawa nga dahil mistulan akong naging lakbay gabay sa Lakaranan namin. Simula tabang hangang san miguel, pana'y turo dito turo doon kaya halos di narin ako nakatulog sa byahe.
Oo nga pala sa aming byahe ay madami kayong madadaan na mga Lumang Bisita, ibig kong sabihi ay Lumang Simbahan. Bawat bayan nga ata ay mayroong simbahan, kaya kung mahilig kang magbisita iglesia, ang Bulacan ang tamang destinasyon.

Kulang kulang dalawang oras na byahe pa NLEX hanggang Kamias San Miguel Bulacan ang aming tinulugan pero si Maricor ay di talaga nag patalo sa antok. hehe
Ginising ko na din ang lahat dahil malapit na kami sa kamias at may umakyat din kasing nag bebenta ng chicharon sa bus, todo pag mamalaki ko pa sa aking mga ka opisina ang chicharon ng San Miguel Bulacan pero di naman sila bumili. Nakakahiya man sabihin ay si kuyang nagtitinda ng chicharon ang kumausap sa rerentahang naming jeepney papuntang Brgy. Sibul sa Kamias. (bait nya noh kahit di kami bumili)
Narentahan namin ang Jeepney sa halagang 900 piso balikan na.




Brgy. Sibul Springs

Kalahating oras lang ang byahe simula kanto ng kamias papuntang Sibul Spring Madlum River kahit pa may inaayos na daan dito, pero bago kami dumiretso sa Madlum River ay huminto muna kami sa Barangay Office  ng Sibul hindi para mag reklamo sa init ng panahon kundi para mamalengke ng aming mga kakainin sa loob ng 24 oras naming pag lalage sa Madlum River. Katabi lang kasi ng Barangay ang talipapa.








Habang naghihintay kina Abi, Tm Ran at Ariel sa pamamalengke ay nag laro muna sila maricor at nagkuhanan ng litrato sa may tapat ng barangay na mini Park/Pasyalan tambayan ng mga taga roon, at sobrang nakakatuwa dahil may libreng paliguaan dito sa mini park /public swimming pool.





At pagkatapos ng halos isang oras na pamamalengke ay nakarating din sa aming destinasyon ang Madlum River, wala silang nasabi kundi ang ganda pero grabe init. ahahaha

Dahil tinanghali na kami ng dating ay agad agad ng nag ayos ng lulutuin si Abi, Ariel , Tm Ran at Francis, ako at si Andrew naman ang naka toka sa pag tayo ng tent, si Maricor , Kim at Mark ang kasama ng mga bata 
sa ilog sa sobrang sabik na sa pagligo at si Lance ay nag pahinga muna.. haha





Ariel at Abi

Si Marcelino ang Tent  na pinahiram sa akin ng The Backpackers

Maricor , Mark at Kim kasama ang mga bata

Si Lance di na kinaya ang pagod
Enjoy na Enjoy si Julia lalo na si ONYOK na kasama si Maricor, obvious naman diba. lol



Inupahan namin ang maliit na kubo na may maliit na kwarto sa halagang 600 piso na sulit  din naman, dahil sobrang maalaga ang may ari ng kubo sa amin, lahat na yata ng kelangan namin na gamit ay pinahiram tulad ng kawali, sandok , kutsilyo at kung ano-anu pa. Nag bayad din pala kami sa balsa patawid sa halagang 5 piso kada sakay , registration fee 10 piso kada tao at Overnight Guide Fee sa halagang 500 piso. Si Sir Franklin and guide namin at sobrang nakakatuwa dahil siya rin ang naging guide ko noong nakaraang taon na pag akyat ko sa Mt. Manalmon , nakakatuwa dahil na alala pa nya ako, kasi daw mag isa lang daw ako noong naglakas loob umakyat ng bundok at kaarawan ko pa noon, sabi nga nya ma'am tumaba po yata kayo .. ahahaha 


Bahay Kubo





Pwede na na yan sa gutom

Ang Magnum na abot kaya ng inyong bulsa hehe



Pag katapos ng masarap na tanghalian at konting pahinga lang ay inaya ko na sila sa Monkey Bridge para sa una naming aktibidad sa nasabing lugar. 
Sobrang di nila alam kung i-tatry ba nila o hindi,  kaya ako na ang nauna baka sakaling mahawahan ko sila ng konting lakas ng loob, minsan lang ito sa buhay kaya pag nahulog ka ay pwedeng mamatay ka o mag kabali bali ang iyong mga buto, hehe tubig naman ang babagsakan mo eh.







Si Mark at Kim nag iisip kong itutuloy pa ba ang nakakatakot na Monkey Bridge.
sa Pangalawang Pagkakataon ko sa Monkey Bridge


GO! Kim at Andrew
                         
Andrew at Kim sa kabilang dulo ng Monkey Bridge



Pagkatapos ng tensyon sa Monkey Bride ay inaya ko naman sila na mag trekking para malibot ang lugar kasama ang aming guide at mukang nag enjoy naman sila , pero si Maricor ay medyo nahirapan lang dahil may mga parteng mababato sa daan.
Dito din sa Sibul Spring makikita ang Banal na Bundok ng San Miguel Bulacan na dinarayo ng mga deboto tuwing Banal na Linggo.






               
               














Ang bahay ng mga Ravena 
Sa teleseryeng MULAWIN na ginanap dito sa Sibul Springs, 
mga paniki sa taas ng Kweba, mag ingat lang at baka ika'y maihian ng mga paniki. ( bat cave )


                                     Eto pa ang ilang mga kuha namin sa paglalakad










                                   dahil sa kagalakan sa lugar inakyat namin itong di kalakihan bato sa daan


May kalayuan na din ang aming nilakad at lahat ay pawis na sa init ng araw kaya balik na kami sa bahay kubo para mag miryenda at maligo sa MADLUM RIVER.
Sa lahat ng ilog na aking napuntahan sa bulacan ang Madlum River sa ngayon ang pinakamaganda at pinaka malumot  lalo na sa may unahang parte ng ilog.
Ang iba sa amin ay hindi marunong maglangoy kaya inupahan namin ang balsa sa halagang 100 piso na inakay ni totoy bata papunta sa malalim na parte ng ilog at sa may batuhan kung saan may madudulas na parte na kelangan ng konting pag iingat lalo na't ikaw ay basa. Ang usap usapan nga dito kada taon ay mayroong inaalay sa nasabing ilog, kasunod nito ang Biak-na-bato na ngayon ay sarado na sa publiko.








               Sir Franklin (guide) at Totoy Bata

                            


Madlum River
(front) Andrew , Abi , Ran , Lance , Ariel , Kim , Maricor 



Hangang sa inabutan na kami ng takip silim sa ilog ni Maricor habang ang iba ay nagbabanlaw sa pampublikong palikuran sa halagang 5  hanggang 10 piso kada tao.
Kinagabihan ay nag salo-salo pa ang iba sa konting inuman ng serbesa , sayawan at mga nakaka pangilabot na kwentuhan sa  kagubatan. 


Sa pagpapatuloy ng aking kwento sa pag akyat ng bundok. Ang MT. MANALMON i-klik lang ito --->>  Mt. Manalmon

  Salamat Pilipinas.





Sobrang thankful ako sa mga nakasama ko sa isa sa pinakamagandang adventure na naexperience ko together with my mahal and specially sa mga taong to Ranillo Bautista Dela Cruz, Andrew Perfecto Castellano, Alexi Lee, Abi Wenceslao Maricor Deimos Ancheta, na very supporting thank you guys

-Lance

------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Usapang Gastusin :

Bus From Cubao to San Miguel Bulacan
> 117 php/per head oneway only
Jeepney Rental 
> 900 php Hatid/Sundo
or trike 50 each good for 5 person
Registration Fee x2
> 5 php/per head
Balsa
> 5 php/ per ride
Guide Fee / Overnight
> 400 to 500 php/ for the whole team
Madlum and Bayukbok Cave Fee
> 30 php /per head
Lamesa Fee
> Libre na... =)
Bahay Kubo
> 600 php / overnight 
or 
Bring your own tent ..

Mga Komento

Sinabi ni Alexi Lee PH

A sincere condolence to my seven co-student's family from Bulacan State University.
We all know about the unexpected tragedy happened at Sibul, Madlum River Bulacan, no one want this to be happen =(, Still my prayer's for the soul of the seven student, my have peace in the heaven.

-- sa bawat lakaran laging mag-iingat maraming trahedya ang pwedeng mangyari lalo na't di mo kabisado ang lugar na iyong tatahakin. Panalangin sa panginoon ang ibigay bago umalis ng tahanan.
Sinabi ni Alexi Lee PH
Kamusta po kayo? Sharing this facebook post from Ser GabsOnevon about MT. Manalmon update.
As of March 30,2015

------------------------------
Original post no Edit
------------------------------
update lang po sa Mt. Manalmon


Sa lahat po ng pupunta diretso po kayo ng barangay gawa po kayo ng waiver para sa permit na pipirmahan nila bago kayo dumiretso ng manalmon kasi pag wala po permit pababalikin nila kayo sa barangay. ung barangay po sa may palengke lang. pag sa munisipyo po kayo pumunta wag po kayo magbabayad kahit singko kasi po may empliyado dun na na niningil ng 150/head kagaya po ng ginawa sa ibang mountaineer nagagalit po mga tao sa manalmon dun sa registration kinasuhan na po nila kahapon ung tao na un at sila mismo bumawi ng binayad ng mga mountaineer. sa barangay po wala din pong babayaran pirma kailangan niyo sa kanila at sa registration 5 piso padin. picturan niyo po at kunin niyo pangalan ng mga taong mkakausap niyo pag humingi kayo ng permit. salamat po sana makatulong ang impormasyon na to.
Sinabi ni Alexi Lee PH
Update at Mt. Manalmon / Madlum River

May Hanging Bidge na po... astig!!
Sinabi ni Unknown
Same pa din po ba ang gastos ngayon? 2013 pa po kc info na to eh, thanks!
Sinabi ni Alexi Lee PH
Hi Dani,

Yes po, pareho parin po ang gastos sa Guide Overnight 500 for 10 person
sa dayhike po 300 for 10 person required po guide dun, Fave guide ko po si Ser Franklin..
wala na pong balsa ngayon, registration fee 5php parin po
sa BUS fare not sure kung 120php na po ngayon hangang Kamias San Miguel Bulacan
sa trike po same price parin po.