Summer Bonding Island Galaan sa Sombrero Island


+ May 17, 2013 +
Anilao, Mabini Batangas

( Sombrero Island )




Dahil ang lahat ay inip na inip na, init na init pa ay mabilis pa sa alas kwatro ang pag lakad namin papuntang pangpang at nag hintay lamang nang ilang sandali sa pag dating ng aming sasakyang bangka patungong Sombrero Island.


Si kuya Globert Sapunto  ( 09215739964 )ang aming nakausap sa pag ayos ng aming masasakyang bangka, malungkot man sabihin pinangako nya sa amin na kasama na ang Island Hopping sa halagang P2,500 na aming babayaran sa narentahang bangka, ngunit ng kami'y kanyang iwan sa kamay ng mga bangkero at nag tanong tungkol sa aming mga dadalawing Isla ay maliwanag na sinabi sa amin ni kuyang bangkero na kelangan pang magbayad ng extra sa pag bisita sa mga kalapit Isla ng sombrero, napaka lungkot nang ito'y aming marinig na tipong gusto pang makipag talo ng aming bangkero nung aming binanggit ang sinabi ni kuya Globert ., kaya kung siya'y inyong kokontakin pakilinaw sa kanya lahat bago mag bayad .. sayang naman
Ganun paman ... 








Sa kalahating oras na byahe sa karagatan ng Balayan papuntang Isla ng Sombrero ako ay sabik na at sila ay inantok na sa pagod, oh dahil na din siguro sa ugoy ng malamyang alon ng karagatan samahan mo pa ng malamig na ihip ng hangin, Aantokin ka talaga =) .








Walang tao sa Isla kundi ang tagabantay at matinding init ng araw ang sumalubong sa amin, grabe tanghaling tapat na kasi kami nakarating at ang plano ay mag tayo ng tent, pero dahil nga sa init ng panahon ay napilitan kaming upahan ang maliit na cottage/silungan sa halagang 600, at nag bayad din ng Island fee sa halagang 150 may kamahalan lang talaga lalo na sa mga di mag tatagal sa Isla. Sabi nga ..

Sombrero Island






Bago tumalon ang lahat sa asul na tubig ay naghanda muna si Lorena at Arnel ng makakain.



Pictorial kono sa Sombrero Island


Si Anna na nag text, hehe



Dahil kilala ang Anilao Batangas na Diving Spot sa Pilipinas, syempre pinagdala ko ang aking mga kasama ng goggles at pinahiram naman kami ni kuyang bangkero nang kanilang LifeVest, salamat talaga dahil  malapit lang sa pang-pang ay madami ng ibat-ibang klaseng isda ang inyong makikita at hindi lang yan may malalaking corals din. May malalalim ng parte ng Isla malapit sa pang-pang na talaga nga naman maiingganyo kang sumisid dito, dahil sa kagandahan nito, wag nyong kakalimutan ang goggles nyo PROMISE...










Pagkatapos ng apat na oras na pag langoy, pag sisid kasama ang mga isda, mag pa sunog sa mainit na araw at kinahapunang pagbabanta ng malakas na pagulan ay masaya  kaming nagpaalam sa Isla ng Sombrero.
Umikot ang bangka sa buong Isla para naman daw ito'y amin masilayan at sa aming byahe pabalik ng pang-pang ng Anilao, ay malalaki at malalakas na alon ang sa ami'y sumalubong nakakatakot pero masaya, tipong rides sa isang amusement park yung bangka na aming sinasakyan na may kasamang pasigawan tuwing may paparating na malaking alon na humahampas sa aming bangka... ahahaha , salamat po at nakabalik naman kami ng maayos.

Maricaban Island isa sa mga kalapit Isla ng Sombrero



At pag dating sa pang-pang ng Anilao habang hinihintay si Kuya Globert para kami'y samahan sa aming pagbabanlawan na pampublikong palikuran ay naglaro muna kami sa mga paghampas ng tubig dagat. Saya!






Dahil ang lahat ay pagod at gutom, habang hinintay namin ang jeepney na aming sasakyan pabalik sa Batangas Grand Terminal ay nag miryenda muna kami sa isang maliit na Lomihan na sinasabi ng mga batangenyong kanilang paboritong Lomi.





Anilao Mabini Batangas Lomi



sa kaliwa ( Alexi, Mai, Hazel , Kris , Anna , Loren , Arnel , Edhz at Lizza )



Sulit na sulit ang isang buong araw na aming Lakaran.
Salamat Pilipinas.

Tignan ang kwento sa Mt.Gulugod Baboy I-Klik lang ito -Mt. Gulugod Baboy


---------------------------------------------------------------------------------------------------------

Real time ITINERARY :

2:30 am Assembly at 7/11 near side at Jam Liner Gil puyat/Buendia Station
3:00 am TD at Jam Liner >
4:30 am TA at Batangas Grand Terminal
5:00 am TD from terminal ride a Jeepney to Philpan Resort at Brgy. Anilao Mabini Batangas > 1 hour ride
6:00 am TA at Philpan Resort our Jump-off climb > Register for the climb
6:30 am TD jump-off /start trek
7:30 am TA at the Summit Mt. Gulugod Baboy > 1 hour rest / miryenda / picture taking
8:30 am TD start decent back to Registration Area
9:10 am TA at registration Area
10:00 am TD at registration Area
10:30 am TA from Brgy. Anilao beach front to Sombrero Island > 30 mins boat ride
11:00 am TA at Sombrero Island ...
4:00 pm Break camp/tent
4:30 pm TD back to Brgy. Anilao
5:00 pm TA at Brgy. Anilao > Take shower at Philpan Resort
7:30 pm TD from Philpan resort back to Batangas Terminal
8:30 pm TA at Batangas Terminal


Mga Laman ng Gastusin ::

Bus to Batangas Terminal -> 125php / one way
Jeep Rental -> 800 php / one way
Mt. Gulugod Registration fee -> 20 php per person
Boat Rental -> 2500 php / 2 ways
Sombrero Island fee -> 150 php / per person
Island Cottage fee -- 600 php
Public CR ->> 30php each
Jeepney back to Grandterminal  - >> 750 php
Bus to Manila --> 100 php DLTB promo

----------------------------------------------------------------------------------------------------------

Mga Komento