+ Hunyo 2, 2013 +
Kamias San, Miguel Bulacan
( MT. MANALMON )
Alas kwarto ng madaling araw ang usapan, para maghanda sa pag akyat ng bundok , pero ang iba sa amin ay alas tres palang ay gising na tulad ko, sa kadahilanang hindi masyadong makatulog dahil sa may gumagambalang elemento sa aming Tent na tinutulugan , si Ariel nga ata di na halos nakatulog sa pagbabantay sa grupo ... Ala una ng madaling araw nagising nalang ako bigla dahil naramdaman kong may kung ano sa gilid ng aming tent kung saan ako nakapwesto at kung saan din nakapwesto ang puno ng kawayan . Maliit na boses na nagsasalita at yapak ng paa na pana'y ikot sa aming tent na tinutulugan, tulad nga ng sabi ng matatanda maraming Elemento ang nakatira sa Bundok na iyon. Eksena pagka gising ko ng Ala una ng madaling araw ..
Ariel : Narinig mo yun?
Ako : Oo, nandito sya sa gilid ko kaya ako tumayo ...
Ariel : Oo , kanina pa yan,
Ako : Grabe baka hindi na ako makatulog nito
Ariel : Nadinig mo mga boses ?
Ako : parang, maliliit na boses?
Ariel : Dami nila .
Ako : Binuksan ang flash light , ( pinatay din agad baka ma lowbat )
Hinayaan nalang namin hanggang sa nakatulog din ako sa sobrang pagod ..
Ako, si Ranillo , Ariel at Andrew lang ang nagising ng madaling araw na yun para umakyat ng bundok, yung iba nagpatalo na sa antok at hinyaan nalang din namin, mga pagod din naman kasi sila, sayang nga lang di nila ma SASAKSIHAN ang kagandahan sa taas ng bundok. Nag dala kami ng konting inumin , chicha at flash light dahil medyo madilim pa sa daan,
Ala singko na ng umaga kami umalis sa aming kinatutuluyang bahay kubo/jump-off.
Hindi na masyadong nahirapan ang aking mga kasama sa pag lalakad lalo na sa may bandang kweba , kahit madilim pa, dahilan na din na napuntahan na namin ito kahapon, at ang dadaanan din naman paakyat ng Mt. Manalmon ay talaga nga naman hindi mahirap. First Timer sina Ariel at Ranillo na talaga nga namang napakabilis mag lakad halos maiwan kami ni Andrew at muntik pang maiba ang daan namin , ahehehe iba po talaga pag mahilig mag jogging tulad nila Ariel at Ranillo , yakang yaka sa kanila ang pag lalakad papuntang Mt. Manalmon.,
Andrew |
Si Ariel , Ranillo at Kuya Frank nag papahinga habang hinihintay kami ni Andrew |
The Big Black Stone sa tagalog SUNOG NA MALAKING BATO hehe |
Konting konti nalang at tanaw na nga namin ang Sunrise sa likod na aming hinahabol sa MT. Manalmon Summit. Sa sobrang bilis nilang tatlo maglakad, wala kaming ibang pag pipilian ni Andrew kundi humabol, ay eto na nga wala pang isang oras, nakarating na kami sa SUMMIT.
Habang hinihintay si HARING ARAW relax muna at pag masdan ang magandang tanawin..
Ranillo , Andrew at Ariel |
At pag katapos ng madami pang pikturan ay eto na si HARING ARAW,
PRICE-LESS !!!
Ranillo |
Alexi |
Andrew |
Ariel |
Ang apat na SAKSI sa kagandahan ng kalikasan ng San Miguel Bulacan |
Syempre Enjoy!! |
Pababa ng Mt. Manalmon ay sa ibang daan kami dinaan ni kuya Frank , para makita naman ng mga kasama ko yung karugtong na ilog ng Magnum River, kung saan din na over night stay yung ibang mga Mountaineer o mga Iskarsyonista sa lugar.
balik na kami sa bahay kubo |
Kasama sa plano ang pag bisita sa Buyokbok Cave, pero dahil ang ilan sa amin ay tinamad na , ayun sige sa susunod nalang ulit .,
Bago kami tuluyang umalis sa bahay kubo ay lubos namin pinasalamatan ang may-ari dahil nga halos lahat ng kelangan namin ay maunlak naman nilang pinahiran at yung mga natira namin serbesa ay binigay nalang sa mga guide ng Mt. Manalmon. At habang nag hihintay kami sa aming nerentahang jeepney pabalik sa Bus Stop ay lumipat muna kami sa kabilang tindahan para mag VIDEOKE !!!
Bandang alas dos ng hapon ay maayos at ligtas kaming lahat nakauwi sa kanya-kanyang tirahan..
BACK TO METRO =)
Salamat Pilipinas.
------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Usapang Gastusin :
Bus From Cubao to San Miguel Bulacan
> 117 php/per head oneway only
Jeepney Rental
> 900 php Hatid/Sundo
or trike 50 each good for 5 person
Registration Fee x2
> 5 php/per head
Balsa
> 5 php/ per ride
Guide Fee / Overnight
> 400 to 500 php/ for the whole team
Madlum and Bayukbok Cave Fee
> 30 php /per head
Lamesa Fee / hapag kainan
> Libre na... =)
Bahay Kubo
> 600 php / overnight
or
Bring your own tent ..
Mga Komento
A sincere condolence to my seven co-student's family from Bulacan State University.
We all know about the unexpected tragedy happened at Sibul, Madlum River Bulacan, no one want this to be happen =(, Still my prayer's for the soul of the seven student, my have peace in the heaven.
-- sa bawat lakaran laging mag-iingat maraming trahedya ang pwedeng mangyari lalo na't di mo kabisado ang lugar na iyong tatahakin. Panalangin sa panginoon ang ibigay/ibaon bago umalis ng tahanan.
As of March 30,2015
------------------------------
Original post no Edit
------------------------------
update lang po sa Mt. Manalmon
Sa lahat po ng pupunta diretso po kayo ng barangay gawa po kayo ng waiver para sa permit na pipirmahan nila bago kayo dumiretso ng manalmon kasi pag wala po permit pababalikin nila kayo sa barangay. ung barangay po sa may palengke lang. pag sa munisipyo po kayo pumunta wag po kayo magbabayad kahit singko kasi po may empliyado dun na na niningil ng 150/head kagaya po ng ginawa sa ibang mountaineer nagagalit po mga tao sa manalmon dun sa registration kinasuhan na po nila kahapon ung tao na un at sila mismo bumawi ng binayad ng mga mountaineer. sa barangay po wala din pong babayaran pirma kailangan niyo sa kanila at sa registration 5 piso padin. picturan niyo po at kunin niyo pangalan ng mga taong mkakausap niyo pag humingi kayo ng permit. salamat po sana makatulong ang impormasyon na ito.
May Hanging Bidge na po... astig!!
mayocareclinic@gmail.com
Tandaan: Ito ay isang ligtas na transaksyon at garantisado ang iyong kaligtasan.
Mabait na magpadala sa amin ng isang email message para sa karagdagang impormasyon.