Dalaguete, Cebu



+ Setyembre 23, 2013 +
   Dalaguete, Cebu


 Sobrang salamat kay @drewarellano @byahenidrew, Opo isa akong tagahanga ni Idol Drew Arellano kaya taga subaybay din ako ng kanyang palabas na Byahe ni Drew,. at para di narin ako mahirapan gumawa ng Itinerary namin, naisipan ko nalang isama sa Lakaran ang Dalaguete Cebu.
Pinanood ko sa aking mga kaibigan ang episode ng Byahe ni Drew sa Dalaguete at nagustuhan naman nila.




Pangatlong Spot! 
Just Inn Resort sa Dalaguete


 Syempre sa Byahe ni Drew ko din nalaman ang tungkol sa Just Inn kaya pagka tapos namin mag pa book ng flight ay dali dali akong tumawag at nakausap si Ms.Rose ang caretaker ng resort ( 09052427561 ) ang bait ni ma'am kausap sa phone so nag assume na din ako na mabait sya.. hehe at di naman kami nag kamali,

Galing Southern Bus Terminal sa Cebu na byaheng Alcoy/Bato Oslob ay inabot ng kulang dalawang oras ang byahe namin, at sa byaheng iyon mapapansin nyo sa daan ang mga lumang simbahan na talaga nga naman nakaka mangha kasi sobrang luma na nila pero magaganda parin, kung pwede lang mag pa stop over yung bus eh para makuhanan ko ng litrato ang bawat simbahan, hehehe!

Pag nasa Dalaguete town proper na kayo, magpababa kayo sa bus driver sa kanto katabi ng sementeryo ng Dalaguete, tapos lakad lang ng konti pakaliwa.

ang saya ni mai kasi nakababa na sya ng bus










Pag dating sa resort ay may inabutan pa kaming mga guest na taga manila din at ako naman ay nakipag kwentuhan sa kanila, ang nakakatuwa po sa kwentuhan namin ay, sa Byahe ni Drew din nila nalaman ang tungkol sa Just Inn =). (small world)




Nakuha namin ang isang buong bahay kubo na may Sala set with TV and electricfan, 1 banyo, maliit na kwarto at malaking kwarto na may aircon 2 bed, sa malaking kwarto kami lahat nag stay dahil libre naman ang extra higaan.





Pag kaayos ng mga gamit ay pumunta kami sa bayan para kumain dahil tanghalian na ng kami'y nakarating.
Sa Maria's Batchoy kami kumain dahil bukod sa masarap silang magluto ay aircondition pa ang maliit na resturant.. hehe


Maria's Batchoy 24 hrs Open






Pang apat na Spot!! 
San Guillermo de Aquitania Church


Pag katapos kumain ay nag lakad kami ng konti lang, papuntang San Guillermo de Aquitania Church , masasabi mong maganda talaga ang simbahang ito.. 

Ito ang iba sa amin litrato ..







(nasira ang ibang parte ng simbahan pagkatapos ng lindon)















Sa tapat nitong simbahan ay ang asul na karagatang Kipot ng Sugbo na naghihiwalay sa Cebu at Bohol.




Dahil my parke sa tapat ng San Guillermo Church
 ay madalas itong tambayan ng mga istudyante 







Pang limang spot!
Museo sa Dalaguete


Pag pasok namin sa lumang gusaling ito'y nalito kami kung Munisipyo ba ito o Museo? hahaha
sa pagmamasid namin ay sinasabing Museo ito na ginawa ding Munisipyo, oh opisina ng pulisya.
Sa pangalawang palapag nito ang Museo at kelangan irehistro ang pangalan ng mga bisita, tumtanggap din sila ng donasyon pandagdag sa pag papaganda ng museo.

Ang totoo po, ay may nakapaskil sa gilid na bawal kumuha ng litrato, pero ganun talaga eh, di namin naiwasan, hehe wala nga pong sumaway sa amin, basta siguro wag lang  mag ingay =).



















Pagkatpos ng maraming picture taking ay dumaan muna kami sa palengke para bumili ng pagkain habang si Ms.Rose naman sa resort ay naghahanda ng aming makakaing pang hapunan. 
( abot kaya naman ang mga putaheng iniaalok nila Ms.Rose sa mga guest nila at isa lang ang masasabi ko, masarap talaga mag luto ang mga taga Dalaguete.)
















Night swimming habang ang iba ay nag kwekwentuhan, at sa di magandang pangyayari ay may mga batang nanakot sa kabilang bakod ng resort na sya namang kinatakutan ng mga kasama naming babae, kaya maaga kaming pumasok sa bahay kubo at dun nalang pumirme at natulog. 





Sa takot nila ay napag usapang lumipat ng resort kinabukasan.
( nakakalungkot kasi hindi man lang ako naka pag paalam kay Ms.Rose ng maayos)



Saang resort kaya kami lumipat at ano ang nangyari sa amin sa DAY 2?? I-Klik lang ang link na ito >>>>> ( Hindi pa handa )


Mga Komento