So far, but so near! Cebu naman!!




+ Setyembre 23, 2013 +
 Lapu-lapu City / Santo Niño, Cebu City





Salamat talaga sa Airline Seat Promotion ng Zest Air dahil nagkaroon na naman ako, kasama ang mga kaibigan ng biglaang LAKARAN and this time let's go to Cebu.

Isa ako sa mga tumatangkilik sa Google Search at Google Map , malaking tulong talaga itong Google Map sa akin sa pag estima ng oras ng byahe sa mga lugar na aming papasyalan. 





Unang spot! 
Lapu-Lapu Shrine 




Mactan International Airport


Mula sa Mactan International Airpot pwedeng mag taxi or mag jeppney ...
15 hangang 20 minuto lang ang byahe sa taxi.
Kung mag ta-taxi kayo walang hassle, mga 100 piso ang bayad via (metro), kung sasakay naman kayo ng jeppney nasa 15 to 20 piso kada tao, pero kelangan nyo pang mag lakad ng mga sampung minuto palabas ng Airport.

Pag dating sa Lapu-Lapu Shrine ay may mga mababait na taga bantay  nito ang mag we-Welcome sa inyo =).



















Dalaguete Mangroves









Pag katapos mag Picturan sa tabi ng Shrine ay may mga kainan ng palutong fresh sea food at bilihan ng pasalubong.



pampasalubong


Pero kami ay sumakay ng mini-jeepney pabalik, papuntang Chowking malapit sa Marina mall, mga 30 minutong byahe dipende sa pag baba at sakay ng mga pasaherong kasabay nyo, pero ma e-Enjoy nyo ang byahe kasi mapapansin nyo ang iba't-ibang kulay ng mini-jeepney ..











Pangalawang Spot!  
Magellan's Cross


Pag katapos namin mag ipon ng lakas at pagkain sa tyan,  diretso na kami sa Magellan's Cross ...
Galing Marina's Mall sumakay kami ng Taxi na inabot ng kulang 40 minutong byahe dahil sa trapiko.
Kulang-kulang 150 piso ang binayad namin sa taxi via (metro). Oh kung marami pa kayong oras pwede din naman sumakay ng Ferry Boat sa Mactan Ferry Terminal papuntang Cebu Ferry Terminal na malapit na sa Magellan's Cross.












Basilica del Santo Niño






























Wag nyong kakalimutan mamili ng mga pasalubong kasi po halos andito na lahat sa Magellan's Cross ang magagandang pampasalubong =).

Dahil sa ganda ng lugar at puro picture taking ay nawala sa loob namin bumili ng pasalubong , ahaha 
Bago pa mag tanghali ay kelangan na namin pumunta sa Resort na aming tutuluyan, sumakay kami ng Jeepney malapit sa Magellan's Cross papuntang Bus Station na byaheng Dalaguet/Oslob.






Kanin!!




    Tignan ang bayan ng Dalaguet sa Southern Cebu, I-klik lang ito >>>  Tara na sa Dalaguete Cebu





Mga Komento