Spring time @ OBONG SPRING


+ Setyembre 24, 2013+
Before going to OBONG SPRING
Our Stop Over.. (O.S.O)


Pagbaba ng bundok pabalik sa  Bayan ng Dalaguet ay huminto muna kami sa Dalaguete Agricultural Tramline ,  dito daw po madalas mag stop over ang mga byahero dahil nga sa ganda ng view...













May mini zipline dito papunta sa kabilang bundok para tranportasyon ng mga gulay




 

Bago umalis ng Dalaguete Agricultural Tramline at oras na ng  tanghalian ay nagtanong kami kila kuya ricky kung saan may masarap at murang makakainan dito sa Dalaguet?

Kuyang drayber: doon mam sa may tabing dagat katapat ng San Guillermo de Aquitania Church
Kami: Ah oo kuya nakita namin yun kahapon, dun kumakain ang mga estudyante?
Kuyang drayber : oo mam madami din kumakain doon.
Kami : O sige kuya tara na po at makakain muna.

Pag dating sa lugar ay may mga tabi tabing karinderya kayong pwedeng pagpiliaan pero sila kuya dito kami itinuro dahil daw masarap ang kanilang nilagang utak ng Baboy.









Tabi-tabing karinderya sa tapat ng San Guillermo de Aquitania Church


At infairnes kahit  karinderya lang na masasabi ng iba, ay di naman kami binigo nila kuya Ricky. Masarap silang magluto! approved!!





At dahil masarap ang mga pagkain kami na rin ang sumagot sa bayarin ng pagkain nila kuya ricky kahit wala sa budget, hehe ( ang pinoy nga naman)

Okey refreshing time na!


After Luch Let's Go to OBONG SPRING


 Galing sa bayan ng Dalaguete ay aabutin lamang ng 15 to 20 minuto na byahe papuntang bayan ng Obong para magpalamig at magtampisaw sa OBONG SPRING. Ang tubig dito ay nanggagaling din sa dagat kaya't malinaw at sobrang lamig ng tubig na di gaanong maalat. Dito rin makikita ang 400  taong gulang na puno ( Dalakit Tree). Dahil bukas sa publiko ang Spring, ay di naman hinihiling ng mga locals dito na umupa kayo ng cottage o lamesa basta magbayad lang ng entrance fee go! kana lumangoy, pero sa sitwasyon namin biglang bumuhos ang ulan kaya napilitan kaming umupa ng cottage na natawaran namin ng 150php, dinahilan namin sa may ari na hindi kami magtatagal sa lugar. =)









 
















 




May parte ding malalim ang Spring kaya ingat lang sa mga chikiting, meron ding maliliit na isda dito  kaya wag kayong magugulat kung may kumiliti sa mga binti nyo.. hehe
Hindi rin problema ang palikuran at bihisan dito mag bayad lang tama sa tagapamahala ng banyo,ehe
Malapit sa may banyo, dumiretso lang kayo ng lakad papunta ng dagat ay makikita nyo itong lumang gusali.


Obong Watchtower




  



Napansin nyo ba itong maliliit na bangka sa Spring? hehe nung lumapit ako sa isa sa mga ito para mag pa picture ay mukang nagalit ang may ari, mukang sensitibo ang mga locals dito. =) (bawal ang makulit na tulad ko)
Bandang alas dos na din ng hapon nun ay napansin ko, na dito din nililinis ang mga locals ng kanilang lambat pagkatapos ng pangingisda kaya medyo nag amoy isda ang paligid at naging malansa ang amoy ng tubig sa spring kaya umalis na din kami.







View of the DAKIT TREE

Tamang tama ang OBONG SPRING sa pampamilyang lakaran dahil sa mura na ay hindi pa ganung kadelikado ang lugar para sa mga chikiting at sa mga tropang galaan naman, tamang chill lang sa pag babad sa tubig =)

Hindi na kami nagbihis at dumiretso na agad sa resort na pagtutuluyan ng mga kasama ko at  pagbabanlawan namin. Lets go to the Beach Beach I-Klik lamang ang link na ito -- >>>> ( Dakong Bato Beach Resort)  HINDI-PA-HANDA












Mga Komento