The next day @ Osmeña Peak


Osmeña Peak
Matalongon Dalaguete, Cebu
 +Setyembre 24, 2013+

 Alas kwatro ng Umaga ay nagsipaghanda na kami para sa pag akyat sa Osmeña Peak, bandang 4:30 ng dumating sila Manong Ricky, dala ang kanilang Habal-habal na sasakyan namin papuntang Bayan ng Mantalongon na sumasakop sa Osmeña Peak, 400php kada tao ang bayad simula sa resort paakyat at pabalik papuntang Obong Spring, tatlong Habal-habal para sa aming lahat, 5:30am na kami ng naka alis sa Resort at nakakalungkot dahil nag paalam kami ng wala pa si Ms. Rose kaya sa mister nalang nya kami nag bayad at nagpasalamat.

"ROAd TRIP" ang dating ng aming byahe paakyat ng Bayan, malamig at preskong simoy ng hangin ang pumapalo sa aming mga mukha sa mabilis na takbo at magandang view ng kabundukang nakapalibot sa amin ...so far, pinakamasayang MOTOR TRIP ko!!!






Inabot ng isang oras ang byahe namin paakyat ng Mantalongon at pag dating mo sa palengke ay makikita mo ang mga habal-habal na naka pila at nag aabang ng pasahero.

Pag kadaan nyo sa maliit na altar ng Birheng Maria ay ihanda nyo na ang puwitan nyo sa nakakanginig na Rocky road sa daan, ahaha ang astig talaga ng mga drayber ng habal-habal kasi kahit mahirap ang daan ay harurot parin sila sa pag mamaneho.





Mga 20 to 30 minuto ang byahe sa rocky road to Osmeña Peak, at pag dating nyo sa likuran nitong bundok ay kelangan nalang maglakad ng mga 30 to 40 minuto, dipende sa mga kasama mo at dipende kung gano kayo karami kumuha ng litrato. :-)







Sa daang paakyat  marami kayong gulayan, na madadaan tulad ng repolyo at cabbage, na mukha talagang masarap gawing salad, diba?




At eto na nga touch down! Osmeña Peak!
Mistulang mountain of  chocolate kisses ang paligid nya dahil sa hugis ng mga bundok na nakapaligid dito at dahil sa hamog, ramdam mo ang ginaw na parang bang nasa baguio ka at ang lakas ng hangin na kelangan mong labanan dahil pwede kang ituwad nito na maging dahilan pa ng aksidente, kaya ingat lang sa pagkuha ng litrato.

Pero ako, dahil sa sobrang kagalakan at gustong magpasikat , hehe biro lang , ayan kahit mahirap eto ang kinalabasan ng aking litrato.




















 




Dahil sa hamog ay halos di mo na makita ang paligid ng kabundukan pero may mangilan ngilang na pagkakataon na pag bibigyan ka ni haring araw para makakuha ng perfect shot, kelangan mo lang talaga mag hintay.

Halos isang oras at kalahati din kami nag pahinga sa peak kumain at nag emote.
Pag baba namin ng peak ay may nakasalubong kaming mag anak kasama ang cute at palangiti nilang anak at sa tuwa ng aking mga kasama ay binigyan nila ng tsokolate at tsitsirya ang bata, eto ang kanyang litrato.



 







Bago kami tuluyang umalis ng bundok ay laking pasasalamat ko kay mahal na kalikasan , dahil may mga lugar pang tulad nito.

Amazing!!






Pagbaba ng bundok pabalik sa  Bayan ng Dalaguet ay huminto muna kami sa Dalaguete Agricultural Tramline ,  dito daw po madalas mag stop over ang mga byahero dahil nga sa ganda ng view...

Ipagpapatuloy ang kwento sa pagpunta namin sa Obong Spring at mga litarato sa Dalaguete Agricultural tramline.    I-Klick itong link ->>>>> OBONG SPRING









Mga Komento