+Setyembre 24, 2013+
Brgy. Coro, Dalaguete Cebu
Umakyat ng bundok at nag emote, tapos naligo sa Spring na Super laming ang tubig, sunod naman ay ang mag relax sa Dakong Bato Beach Resort. Since biglaan lang ang pag check-in namin dito ay biglaan din ang paglabas ng pera ng aking mga kasama hehe.. Galing Brgy.Obong ay nag tricycle kami papuntang Brgy.Coro. At syempre kay Biyahe ni Drew ko din nalaman ang tungkol sa Resort, medyo may kamahalan pero sulit naman ang binayad ng mga kasama ko na 3,200 php good for 6 person, pero dahil Pito kami at Lima lang naman sa amin ang mag overnight stay sa resort ay nagbayad lamang kami ni Mai ng entrance fee na 100php each.
Pag pasok mo palang ng resort sa may bandang receiption area ay mapapansin mo na ang ganda ng view, kaya habang nag aasikaso sila ng tutuluyang room ay nag kuhanan muna kami ng litrato. hehe
Sa malaking kwarto ay may tatlong malalaking kama, malait na lamesa, telebisyon , lababo , tukador at syempre ang CR saka terrace na may overview ng swimming pool at ang karagatan.
Obvious namang nag enjoy ang mga kasama ko sa room na kanilang nakuha ikumpara naman daw sa kahapong resort na aming tinuluyan ( ang lungkot isipin ) pero ganun po talaga.
sea overview |
So para di na rin masayang ang oras ay sinulit na namin ni Mai ang 100 pessos na entrance fee sa pag sisid sa pool at mag laro ng swiming-swingan , kasi di naman kami marunong mag langoy ahahaha..
Bago umalis ng resort ay nagmiryenda muna kami, na sakto naman ang halaga ng kanilang mga pagkain na kayang kaya ng budget nyo, kaya order lang kayo at ihahatid sa room nyo ang mga pagkain. taray!!
Eto ang ilan sa aming mga litrato sa resort:
Enjoy lang! |
Bandang ala-singko ng hapon ng kami'y umalis ni Mai sa resort dahil mahirap ng gabihin sa byahe pabalik ng Cebu City. Pag dating sa Terminal ng Bus ay namili na kami ng mga pampasalubong pagkain, tapos nag taxi kami pabalik ng Magellan's Cross para mamili ng mga T-shirt at souvenir , buti nga at may inabutan pa kaming bukas na tindahan, kundi nga-nga kami!!
kung kasya lang to sa bag ko bumili ako. huhu |
dami pinamiling t-shirt ni Mai =) |
Pagkatapos mamili ay nagpalipas muna kami ng ilang oras sa Mcdonald malapit sa Magellan's Cross kasi lahat ng hotel malapit sa lugar ay Fully Booked na., kaya ayon! Backpackers way nanaman .. ( TAMBAY)
At matapos mag-istambay sa mcdo at mag ayos ng gamit ay dumiretso na kami ng Airport para doon matulog at tumambay habang hinihintay ng flight pabalik ng Manila.
Infairness ang dami din palang natutulog sa Airport, andun nga si Monkey the Luffy kalokalike eh..
at nakakainis kasi hinhintay ko sya magising para mag pa picture kaya lang nakatulog ako, so pag gising ko wala na sya!! sayang astig pa naman nya!!
hehe di ko mapigilan di kunan si kuya (astig kasi) |
At eto nga where back to Manila ..
As in super na sulit at na enjoy namin ang Lakaran sa Cebu na hindi ko makakalimutan, hehe syempre first time ko makasakay ng eroplano eh... haha (sakit nga sa tenga ay yay!!)
Salamat Pilipinas,
Mga Komento