+ Enero 17, 2014 +
Tanay , Rizal
Kamusta po kayo? ako po eto tulad ng inaasahan , isa na namang Biglaang Lakaran ang aking ibabahagi sa inyo kasama ang aking mga kaibigan.
Saan kami tutungo? syempre dun kami sa malapit lang, yung tipong dalawang oras na byahe sa VAN from Shaw Blvd, sa halagang 70 pesos at 30 mins na byahe sa Tricycle papuntang DARANAK FALLS.
Dahil nga sa biglaan lang ang aming lakaran, 9am na kami umalis ni Mai sa Pasay kaya siguradong tanghali na ang dating namin sa Tanay Rizal,
Walang singilan, kanya kanyang bayad sa pamasahe at kanya kanyang baon ng pag-kain ang lakaran na ito.
Pagdating namin sa Tanay mga bandang 12 ng tanghali ay dumiretso na kami s bahay nila Eugene at Rocsh, at pagkayos lang ng kanilang gamit ilang sandali nalang ay aalis na kami,
Nagrenta kami ng tricycle sa halagang 250 pesos from Bayan ng Tanay to Daranak Falls vise versa, at syempre bago kami umakyat ng Falls ay nag stop over muna kami para bumili ng ilang babaunin.
at pagkatapos ng masayang byahe sa tricycle eto na po kami HANE!!!
Kung napansin nyo sa Litrato ang entrance fee ay 20 pesos at ang kinuha namin ay yung Picnic table worth 200 pesos.
Mga bandang 1pm na kami nakarating ng Daranak saktong sakto po sa tanghalian kaya kumain muna kami bago magbabad sa Pictures at Tubig!! ahahaha...
Pag bandang Rizal-Laguna po talaga ay marami kayong mapupuntahang Falls, pero may kanya-kanya po silang natatangi, tulad nalang dito sa Daranak Falls na malinaw ang tubig na kulay asul kaya nga nung bumungad sa amin ang falls natulala ako ng ilang segundu sa ganda nito.
Oo nga pala, salamat po pala kay kuyang Life Guard sa maiinit na pag tanggap nya sa amin sa Daranak Falls at sa sobrang asikaso nya sa mga bisita ng lugar ay sya na mismo ang nag Ooffer na kumuha ng Group Picture nyo kung wala kayong dalang tripod. hehe
Ako at si Kuyang Life Guard |
Maayos at malinis naman ang kanilang bihisan at paliguan na may bayad na 5 to 10 pesos ata, hehe nakalimutan ko na, at kung kayo ay giniginaw no worries dahil may mabibilan kayong mainit na kape sa loob ng DARANAK FALLS/resort hehehe..
Babalik po kami HANE!! |
Grotto of Rawang
Mga bandang 4pm ng nilisan namin ang Daranak Falls, at inaya ko silang umakyat sa grotto.
Wala naman ito sa plano namin at hindi rin naman ako nakapag research masyado tungkol sa lugar kaya nga natuwa ako ng sinabi nilang may grotto malapit sa falls.
Nasa 10 minutong lakad lang ay mararating nyo na ang Grotto ng Rawang, medyo maalikabok langsa daan pero keri kahit naka tsinelas lang kayo.
Wala pong entrance fee dito, iwasan nalang pong magkalat.
Kung mahilig ka umakyat ng bundok or madalas mag jogging, walang kahirap hirap sayo ang umakyat ng grotto, dahil nalulula si Rocsh sa matataas, kami lang ni Mai ang dumiretso sa taas na inabot lamang ng 15 minuto.
Sa litratong ito makikita nyo na may kasama kaming bata, anak sya ng tagapaglinis ng lugar dito na daw sila nakatira, napaka galang ng batang ito, kaya nga my reward sya saming konting chi-cha na kinasaya naman nya.
Salamat kay Rocsh at Eugene na nagaya sa amin ni Mai na pumunta ng Daranak Falls,
first time namin lahat dito, ang saya saya lang =)
Salamat Pilipinas.
---------------------------
(litratong kuha ni Alexi Lee)
Mga Komento