+ Mayo 6,2014+
Burot Beach Calatagan, Batangas
Dahil sa tindi ng inet sa pinas na halos umabot na ng 40© ay hindi mo maaring palampasin ang mag punta sa Beach para magpalamig ,magbabad at magtampisaw sa tubig dagat sa ilalim ng matarik na araw.
Kaya eto, kahit dalawa lang kami ni Mai ay tinahak namin ang daan mula Pasay patungong Calatagan Batangas at ang biglaang lakaran namin ay sa Burot Beach. Naikwento sa akin ng isang kaibigan na hindi magastos ang pagpunta dito, at dahil sa wala naman talaga kaming malaking budget ay pinili na namin pumunta dito.
Late night na ng napag desisyonan ang lakad, kaya todo search ako ng mga blogsite tungkol sa Burot Beach, karamihan sa mga nabasa ko ay di masyasong maganda pero overall okey para sa amin ang lugar.
So, alas dos na ng madaling araw pero mulat parin ako, kaya natulog ako kahit isang oras lang haha!. mabilisang impake lang, like the backpackers way.
Ayon sa mga online bloggers, may direktang byaheng Calatagan sa may MRT taft Bus Terminal sa likod ng MCDO, at ala singko ng umaga ang unang byahe, ngunit pag dating namin doon, sabi ni kuyang konduktor ay wala ng direcktang byahe papunta ng Calatagan, kaya sumakay nalang kami sa byaheng bus patungong Nasugbu Batangas.
View going to Calatagan Batangas |
Inabot din ng tatlong oras ang Byahe namin hangang Lian-Nasugbu sa halagang( 110-130 php )at pagbaba namin dito ay sumakay pa kami ng Jeppney patungong Calagatan sa halagang (40 php) na inabot ng kulang kulang isang oras na byahe dahil din sa maraming pag para/sakay nito.
At pag dating namin sa Calatagan Wet-Market/Terminal, ay nakipag areglo ako sa isang tricycle driver na kami ay ihatid/sundo sa Burot Beach sa halagang ( 300 php ) .Namili din muna kami sa palengke ng lulutuin pananghalian at cold ice soft-drink.
New wet market in Calatagan |
May kamahalan ang renta sa tricycle dahil sa mabatong daan papuntang Burot Beach.
...along the way to Burot Beach
--
Almost 11am na kami nakarating sa Burot Beach, nagbayad kami ng (65php) each as entrance fee for the whole day, Since weekdays ang lakad namin ay konti din ang tao, swerte namin at may napagtayuan kami ng tent Under the Big tree, hehe
Sharing details : Ang Burot Beach ay nasa pangangalaga/pagaari ng SM Group of Companies, buti nalang at bukas ito sa publiko, mura na relaxing pa! yung nga lang walang kuryente dito. Sa mga walang tent no worries since may available tent for rent (300php) dito or if you want may cottages din sila.
Tindahan |
Banyo |
Cottages |
Agad-agaran ay naghanda narin kami para sa Lunch namin =)
Lunch is ready! sa mga kukulangin sa gamit pang luto no worries, since may maliit na tindahan sa beach, na nag papahiram ng mga gamit, yun nga lang may kamahalan. =)
RAPSA kumain sa BEACH |
Pagkatapos ng masarap na pananghalian ay naglibot kami ni Mai sa east part ng beach, walang tao nun sa parteng iyon ng beach, so picture picture and swimming na kami.
Rock Formation at Burot Beach |
Na feel ng asong ito ang init ng panahon |
Malinaw ang tubig dagat dito ang sarap mag langoy kaya lang may parte ding madamo dahil sa Seaweeds/Seagrass so todo iwas kami sa mga ito, ahaha
East Part of Burot Beach |
East Part of Burot Beach |
East Part of Burot Beach |
Ang ganda ng Burot Beach, yan lang masasabi ko, sobrang dami naming litrato ni Mai hehe, yung halos half day na pag stay namin dito well, bitin sya but anyways na enjoy naman namin .. relaxing, peacefull promise nakakawala ng stress =).
Ordinary bus nalang ang available mga bandang 5:30pm nun, at umalis ang Bus na kami lang ang sakay before 6:00 pm
Ordinary bus going to Baclaran-Coastal |
By 9:30 pm were back to Manila safe =)
SALAMAT PILIPINAS.
Mga Komento