+ Nobyembre 6, 2014 +
Montalban / Brgy. San Rafael Rodriguez Rizal
Mt. Pamitinan and Mt. Binacayan side trip to Wawa Damn
Not the original plan.. madami na akong LAKARANG nadinig na ganito ang
kinalabasan. Dapat sa’ dapat dun sa’ ... Pero mas maganda pa ang kinalabasan ng
biglaang LAKARAN na ito kesa sa orihinal na plano.
Sa Brgy. San Rafael Rodriguez Rizal makikita din ang kilalang Wawa Damn,
katabi nito ang bundok na aming aakyatin ang Mt.Pamitinan and Mt.Binacayan.
Thanks to my Backpacker batchmate Nickson, who went to this place way back
February ..
After our shift dumiretso na kami sa Cubao FX Station going to Eastwood
Montalban, good thing at napuno agad yung FX na nasakyan namin, walang
trapik so 1 hour lang ang byahe nasa Eastwood Montalban na kami and right
away pumara kami trike going to Wawa Damn that took 15 to 20mins ride only.
++ video ++
So, from Wawa Damn Tourism Office we met Kuya Junie contact from
www.thebackpackersadventures.blogspot.com, we registered and he give us some
brief details about the mountain, saka kami pinakilala sa local guide namin
na si Mang Intik na maraming baong kwento about sa Montalban
at si Kuya Oggie na sumama lang sa amin paakyat dahil di pa nya napupuntahan
ang summit.
Nilisan namin ang registration area bandang 11:30am and we start the trek
from hanging bridge Sto.Nino trail going up and along the first part ng
trail marami kaming nadaanang Rock Formation na may mga harness for Rock
Climbing.
After 1 hour na lakaran ang second part ng trail paakyat ay full ascent sa
mga bato, and guys konting ingat lang dahil matutulis ang karamihan dito, sa
trail na ito kelangan mo po ng lakas ng braso para buhatin ang sarili mo at
lakas ng binti para mag balance sa mga bato, katakot sa ibang part at mas
challenging sakin ito since may katabaan na ng konti ang katawan ko. hehe
But still we manage to reach the summit after 2 hours safe and excited!!
at 1:30pm were on the top of Mt.Pamitinan.
Marx @ the summit |
Mt. Pamitinan Summit |
Mainit at maliit ang pwesto sa summit, extra caution lang kung marami kayo
sa grupo, kasi po maling hakbang mo lang deads ka. Pero ganun paman
makakalimutan mo ang takot like me dahil sa ganda ng tanawin!!
Mt. Pamitinan Summit |
Maliit na pwestong may lilim |
----
After 1 hour of stay around 2:30pm, we descend back on a diff route to Sitio
Karugo Trail na may mahabang river trekking, so set your expectation na
mababasa ang paa mo dito .. along the way marami kaming nadaanang puno ng
prutas tulad ng Suha , Saging at Dalandan. Also may mga Mini Falls din na
pwede kayo mag stop over para mag refresh.
It’s amazing kasi after ng isang oras na lakaran sa river ay ito ang
bubungad sayo..
Extension of Marikina River to Wawa Damn |
Wawa Damn |
++ video++
Before 5:30pm balik na kami sa registration office para kunin ang mga gamit
at pinakilala samin ni Kuya Junie si Sir Emmanuel, na syang magiging guide
namin kinabukasan at sa bakuran nila kami nagtayo ng Tent , astig sa bahay
nila kasi tabing ilog , kung mag overnight po kayo recommended ang place
nila at wag kalimutang madala ng jacket dahil malamig dito.
So we prepared our dinner, konting kwento at natulog na ng maaga, wala na
pong social since dalawa lang kami at galing pang trabaho.
Salamat Pilipinas.
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Itinerary
Day 1
ETD 10:00am > Cubao to Eastwood Montalban (take Fx) / 50 pesos each
ETA 11:00am > Eastwood Montalban
ETD 11:00am > Eastwood to Wawa Damn ( take trike) / 10 pesos each
ETA 11:15am > WaWa Damn / Register / Get Guide > 300 pesos no minimum amount required
Start Trek 11:30am Jump-Off ( Hanging Bridge Sto.NiƱo Trail)
ETA 01:30pm > Reach Summit / Miryenda
ETD 02:30pm > Start descent to Sitio Karugu Trail (River Treking)
ETA 04:30pm > Wawa Damn River / Picture taking
ETD 05:00pm > Wawa Damn going back to Registration Office
ETA 05:30pm > Registration Office / Met Sir Emmanuel new guide contact# 09493956589
06:00pm > arrive at Sir Emmanuel Place / Set Tent / dinner
8:00 pm Lights Off !!
Mga Komento