#bucketlist start now! #dayhikepamore!!




MT. LOBO / NAGPATONG  PEAK TO BANGKALAN PEAK TRAVERSE


Mountain Details:
Lobo, Batangas 
Views of Sn,. Juan-Lobo Mountain Ranges
Jump-off : Nagtaluntong Army Detachment









Kahit late man, congrats sa akin at naka abot ng 2015 itong  aking mu-munting blogsite .. salamat po sa lahat ng dumalaw at sana kahit papano ay nakatulong ako sa inyong mga lakaran.

Thank you! Thank you!....





So, to start my 2015 Lakaran, naisip ko lang po na ibahin na yung blogsite address ko, 
Lets do it as LakaranAdventures
pwede kaya? hehe .. sabi ng mga friends ko.. PWEDE!
kaya po from AlexiLee.blogspot.com to LakaranAdventures.blogspot.com


Okey.. kasama sa New Year resolution ko ang maka akyat ng marami pang bundok, pero dayhike lang... so  my #bucketlist #dayhikepamore



Thank you pow!



At sakto, buti nalang at inaya ako ni Sir Darz na ka trabaho ng dati kong katrabaho sa makati sa isang dayhike event to Mt. Lobo. 


Si Sir Rai Sean ng Sanggala Mountaineering group ang nag organize ng event na ito sa Mt. Lobo , at first nagdalawang isip ako kung sasama ako sa nasabing event kasi di ko kilala yung grupo, pero sabi naman ni Sir Darz  na pag nag join ka sa grupo nila hindi ka naman obligadong sumama lagi sa lahat ng climb event nila at mababait naman daw sila at isa pa open climb daw ito, means maraming katulad ko ,na sasama sa akyat na hindi naman member, guest kung baga.. 
Bale first time ko pong sumama sa ibang mountaineering group aside the TheBackpackers hehe exciting!


Tulad ng nakasanayan ko, una pagaaralan at  I ta-try kong tandaan yung itinerary ng event, yung nga lang di ko nacheck sa google map yung trail pero may idea naman ako sa lugar since nakapunta narin ako dati sa Lobo Batangas, at pangatlo nawala din sa loob kong I-check yung magiging kalagayan ng 
panahon sa araw na iyon, haha sabi ko nga nun bahala na, 
Whatever happens it's up to me na!

Pero po, tandaan natin na IMPORTANTENG alam ang panahon sa lugar na ating pupuntahan, mahirap na, its better to be ready than sorry... chos!!!


So, bago ang araw ng LAKARAN wala akong ginawa buong araw ng Sabado kung di matulog, para full energy ako kinabukasan, kasi  po November pa last year yung huling akyat ko..

------

12:30 ng madaling araw umalis ako ng bulacan at sobrang lakas ng ulan nun, muntik pa nga akong malagpasan ng Bus na byaheng pa cubao dahil sa di na makita yung tao sa daan.. and before 2:00am nasa Jam bus terminal na ako sa Kamias Cubao, since ang meet up place namin ay 4:00am sa Batangas Tambo tollgate.. hehe Bulacan to Batangas!!

Kaya lang dahil 3:00am na kami naka alis ng terminal, 4:30am na kami nakarating sa tollgate ngunit sakto lang kasi pag dating namin kompleto na ang lahat!


Nagrenta si Sir Rai Sean ng napakahabang jeep at dahil sa marami kaming guest (25) kumuha pa sa ng isa pang maliit na jeep.


Bago umpisahan ang aming Lakaran, dinala muna kami ni Sir Rai Sean sa isang Lomihan para mag almusal.







Before the sun shines, we left the Lomi house and manong jeepney driver started his engine to face the zigzag rode at the mountains of Batangas going to jump-off..



Inabot ng dalawang oras ang byahe namin papuntang Brgy. Nagtaluntong.








Bago mag simulang mag lakad registration muna at pag kuha ng guide ang inasikaso ni Sir Rai.
May katabing ilog sa jump-off at kadalasan dinaraan naman dito ang mga jeep pero dahil sa mababa ang nakuha naming jeep that time, sumakay pa kami ng trike na lumusong sa mababaw na ilog para kami ay itawid sa kabilang barangay, inabot din kami ng 10 minutes sa tricycle at nagbayad kami ng 15php per head.








Sa pagkakatanda ko nahati sa apat ang grupo, at isa ako sa sweepers in short yung grupong nasa huli hehe..Well hindi naman mahirap ang umpisa ng trail kaya lang may part na open at mabato and may tubig din, so mas advisable po ang mag Sandals or open Trekking Shoes..









Along the trail may mga supper mini falls and batis kayong madadaanan.








At sa di inaasahan, may dalawang newbie sa mountaineering ang nag back-out from 3rd group sa gitna ng trail, malayo layo narin ang nalakad nila, kaya lang di naman po kasi talaga pang newbie yung trail lalo na't travers twine hike ang event. So medyo na delay ang sweeper group dahil sa nangyare, hehe







Pero okey lang po yun, diretso lang kami hanggang sanakarating kami sa unang kabahayan along  the trail at YES! as I expected na  may nag bebenta dito ng fresh buko, hehe...
at dito nakilala namin ng pormal yung 2nd group na sina Eden, April and charm. 
Medyo napasarap ang kwentuhan namin kaya inabot ng isang oras yung pahinga namin, haha!
sabi nga namin this is our LAzy Climb Ever!


Lazy!




with the 2nd group




Tapos mga 12:30pm na kami nakarating sa last stop ng mga mountaineers, kung saan kami hinihintay ng lahat hehe... medyo out of itinerary na ang oras namin, kaya mabilisang kain lang tapos larga na ulit.







At pagkatapos ng lahat at last! We reached the first peak (Mt.Nagpatong) bandang 2:00pm ..Sobrang inet sa taas promise!

Pero as always part ito ng pagiging mountaineer, kahit gaano pa kainit yan go lang!




@Nagpatong Summit












To say Thank You.. sir Rai took a  solo picture of all the participants, bait nya noh!?

picture ni Sir Rai Sean



Sobrang out of Itenerary time na kami kaya sobrang minadali din namin ang pag akyat sa 2nd peak
 ( Mt.Bangkalan )


And just in time for the sunset, we reached Bangkalan Peak.
Amazing view, and I felt freedom again with nature!



Top Left Mt.BangkalanPeak / Bottom Right Mt. Giling-Giling








group shot @ Bangkalan Peak



By 5:00pm after ng group shot , nagsimula na kaming bumaba ng bundok pero sa ibang trail na po kami dumaan at sa di inaasahang pangyayari naaksidente po yung isa sa mga newbie participant ng event, pero di naman po grabe,. kaya dahil doon 8:30pm na kami nakabalik ng jump-off.
Tapos 9:00pm umalis kami sa registration area then 11:00pm nakarating kami sa Tambo Toll Gate at by 4:00am (Monday) were back to Cubao safe.



----------------------------------






This is my first hike for the year 2015 and yes, another experience to share and to treasure. I met new people from different mountaineering group and listen  to each and everyone’s adventures along with the trail, and what I like most in this event is the descend part back to jump-off.

Thanks to The Sanggala Mountaineering Group.






SALAMAT PILIPINAS.



Photo Credits to :
Rai Sean
April Camarines
Denjo Amata
Alexi Lee (me)

Mga Komento