Mt. Batulao
+ Nasugbu, Batangas +
( this is part of my 2014 fastback/rewind Lakaran Stories )
Sorry di po kita yung pag ka Red nya |
Sobrang tagal ko ng ginustong akyatin ang Mt. Batulao dahil sa angking ganda nito, tuwing may nababasa akong blog about dito at tinitignan yung mga letrato nila sa bundok, ay promise! sobrang na I-imagine ko kung gano kaganda ang Mt. Batulao.
Una kong nasilayan ng malayuan ang Mt. Batulao way back 2012 nung umakyat kami sa Mt. Talamitam kasama ang TheBackpackers at ilang beses ko na rin sya kinabaliwan tuwing madadaan kami sa Nasugbu.
And atlast! Thank you sa ka trabaho kong si Marx na nag aya nalang biglang umakyat ng bundok at sa Mt.Batulao ang gusto nya.,
Isang linggo bago ang plano namin pagakyat ay may napapabalitang uulan sa araw na yun, kaya ilan sa mga kasama namin ay nag back out, so ako Marx at Alvie nalang ang naglakas loob na ituloy ang lakaran.
Since first time ni Alvie and Marx, thank you sa mga natutunan ko from thebackpackers at na i-share ko sa kanila ang mga dapat dalin at gawin sa pag akyat ng bundok, syempre safety first!
So after ng shift namin diretso na kami sa DLBT Gilpuyat bus station going to Nasugbu.
Medyo late na naka alis yung bus so expected na maabutan pa namin ang sunset sa gitna ng trail, kaya lang dahil sa may aksidenteng naka bangga sa bus na aming sinasakyan ay inabutan na kami ng sunset sa daan papuntang Jump-off.
5:30pm ng nakababa kami ng bus, tapos may kasabay din pala kaming 2 mountaineer sa bus na iyon, hehe
Si Sir Felix at Sir Nikz , mukha naman silang mabait at porma palang nilang dalawa mukhang matagal na silang umaakyat ng bundok, so ako na nag lakas loob na mag pakilala sa kanila at inalok sila kung pwedeng magsabay nalang kami sa pag akyat at pumayag naman sila.
First time yun sa mountaineering life ko astig!
At dahil ginabi na kami, napagusapan naming kumuha ng guide, pero based sa mga nabasa ko at kay Sir Felix, kung dayhike naman ang lakaran kaya na daw akyatin ang Mt.Batulao ng walang guide. Pero kung newbie ka sa pag akyat its better that you get a guide.
May delekadong part kasi ang Mt.Batulao
So dahil umulan daw nung isang araw, medyo maputik yung ibang part ng trail sa may bandang kabahayan, but still hindi ito naging hadlang kay Marx and Alvie sa tuloy-tuloy na pag ascend namin, ang lupet nila Sir Felix and Nikz... na challenge yata sila Marx and Alvie kaya kinaya namin ng isang oras at kalahati ang lakaran ay nasa camp site na kami!!
I am so proud of them, kahit nag reklamo si Alvie sa hirap dahil sa bilis namin kinaya parin nya!
And because of that wala kaming picture while trekking at night! haha..
Pero good job to us dahil, isa pang Jackpot para saming lima ay ang maliwanag na RedMoon na kitang kita namin from camp site at tahimik na gabi sa Mt. Batulao dahil solo namin ang bundok ng gabing iyon,. Expected kasi na uulan ng gabing iyon, kaya siguro walang umakyat.
So we set up our tent and prepare our dinner, haha pano nalang kung wala sila, Sir Felix and Nikz, siguro ginutom kami ng gabing iyon kasi wala kaming dalang kanin. Ahahahaaha
Konting kwentuhan at inuman ang mga boyz then by 11pm lights off na,
Sa pagod ko, diretso tulog ko, hindi ko nga namalayan si Marx at Alvie pala ay nahirapan matulog dahil sa sobrang lamig,.
I woke up super early para nga kako maka akyat kami nila Marx ng maaga sa summit at abangan ang sunrise =)
But we failed, hehe tinanghali na ng gising sila Sir ...
Pero its okey di naman nakakasawang tignan ang ganda ng Mt. Batulao
before umakyat sa Summit |
going to summit |
SUMMIT |
Picture kung saan may aksidenteng nangyari sa Mt.Batulao
Ingat po lage |
So after bumaba sa summit pahinga muna sa maliit na tindahan sa may campsite.
Pagkaayos ng gamit namin, diretso descent na kami since medyo tanghali na,.
Gutom na ang lahat, buti nalang pag baba namin ay may karinderya, talipapa at maraming tindahan sa lugar na pwedeng makainan, marami ding kabahayan ang nag aalok ng paliguan sa tamang halaga,
sa jump-off habang naghihintay ng bus pabalik sa Manila |
By 5:00pm nakabalik na kami sa kanya-kanyang tahanan, Ang saya lalo na't may nakilala kaming bagong kaibigan, kahit saglit mo lang sila nakasama at nakakwentuhan ramdam mo yung may isang bagay na pareho kayo, yung pareho kayo ng hilig sa pag-akyat ng bundok hehe..
SALAMAT PILIPINAS.
oh bundok! |
Photo Credits:
Alexi(me) / Sir Nikz
Travel Date: October 2014
Mga Komento