Nagcarlan, Laguna
( this is part of my 2014 fastback/rewind Lakaran Stories )
It's been while sabi nga, because the last time I climb mountain with my idols was January sa Mt.Damas
(see link of Mt. Damas )
Normally kasi laging natatapat ng Saturday-Sunday ang climb ng grupo kaya lagi akong absent sa mga happening nila sa taas ng bundok ( haha may disclaimer talaga ako)
Well anyways they understand naman my reason, diba diba guys?
Based sa original Itinerary, overnight ang aming Lakaran , but because of the season ,
may binalitang bagyong papasok daw sa bansa nung target date ng aming lakad,
kaya from the 18-20 participants were down to 10 at we change the itinerary to a day-hike.
Mt. Mabilog is at San Pablo and Nagcarlan, Laguna which has 3 trails going to the summit, Sto. Angel (south) trail, Sta. Catalina (west) trail and Sulsuguin (east) trail. It's also a taker because 2 of the 7 Lakes of Laguna can be seen from Mt Mabilog that is Lake Pandin and Lake Yambo.
Dahil medyo malayo at mahirap mag commute papuntang Mt.Mabilog, BP Nickson decided to rent a van going to our destination. PBNickson is TheBackpackers P.R.O. at sya din po ang nag ayos ng Itineray namin, he is also my batchmate sa grupo.
(See link BP Nickson )
We left at Gilpuyat LRT station around 7:00am then we reached Sto. Angel Brgy. Hall before 9am, mabilis magpaandar si koyang driver ng van and Sunday kasi nun kaya walang traffic.
After registration sa brgy. diretso na kami sa jump-Off or sa tinatawag nilang parking area going to Lake Pandin.
From parking area mga 10 to 15 minutes walk lang po nasa Lake Pandin na kayo,.
I was surprised nung bumungad sakin yung Lake Pandin ang ganda kasi ng scenery nakaka inlove haha..
ang sweet mag dala ng date dito promise!
Around 10:30am we started the trek ...
Walang ganung climbers that day sabi ng guide may isang grupo na daw ang nauna samn umakyat and so far kami palang yung panagalawa for the day.
Pagkatapos ng isang oras at kalahating lakaran,
Here we are!
trail pictures |
Summit Pictures |
Buti't hindi ganun kainit that day kahit tanghaling tapat na kami nakarating sa summit/campsite kasi isa lang yung mataas na puno na pwede nyong pagsilungan.
Pero walang epekto sakin yung init, kasi po ang ganda naman ng view!!
Nasa harapan namin ang Mt. Banahaw at Mt. Cristobal my dream climb!!
sobrang sarap kumuha ng litraro dito promise!!
So konting chicha at kwentuhang english version dahil may guest kaming foreigner from Venezuela.
haha lahat po kami nose bleed |
Summit pictures |
After ng mga isang oras na pahinga we started to descent pero sa ibang trail going to Lake Sulsuguin, and from Lake Yambo diretso na kami sa Bunga Falls.
Sobrang lakas ng falls, kaya hindi na ako nag lakas loob lumapit dito baka hilahin lang ako ng current nito pailalim. Pero si Ramon isa sa mga guest at dati kong ka trabaho sa Sitel ay nag lakas loob tumalon sa falls!! at safe naman syang nakaahon sa tubig.,
( grabe lahat kami nun kinabahan kasi ang tagal nya bago nakaahon sa tubig )
Brave Ramon and I |
Sa mga di po marunong mag langoy dont worry po may mga pinaparentahan silang salbabida at cottage para pagiwanan ng mga gamit nyo.
@Bunga Falls |
After quick refreshment sa falls next destination po namin ay sa Underground Cementery. I was surprised again na may ganitong lugar pala sa laguna, sayang lang at di na kami nakapasok sa loob till 4:00 pm lang po kasi sya bukas eh saktong 4pm na kami nakarating, pero okey lang, kasi sa labas pa lang ng sementeryo ay ito na bubungad sa inyo.
At dahil sa ginutom na ang lahat sa mga kakulitan at picturan na ito, out of the itinerary we stop by and eat lunch/dinner sa Isdaan Resturant at Calaunan Laguna.
Isdaan Resturant |
Sulit na sulit ang buong araw na lakarang ito at first time kong umakyat ng bundok after kumain ng marami at masarap!! ahahaha .. One thing, masasabi mo talagang maliit ang mundo! glad to see my former colleague Ramon on this adventure along with his friends who is now a regular Backpackers Guest. Kahit wala mang socials still we manage to know each other kahit short time lang and I am hopping to see them again on my next adventure with TheBackpackers Family. Salamat po!
SALAMAT PILIPINAS.
-----------------------------------------
Travel date: September 2014
Photo Credits to:
BP Nickson
BP Heinz
Malen Emmalyn
Alexi (me)
Mga Komento